Nakahilata ako ngayon sa maliit kong kama sa servant’s quarter, nakatitig sa kisame na may lumang bakas ng tubig ulan. Company event daw? Presentable daw? Paano, Lord?
Napabuntong-hininga ako nang malalim. “Presentable… eh puro duster lang naman ang damit ko!”
Umikot ako sa kama, parang uod na ayaw gumising. “Ay naku, Mira Marinduque, paano mo ‘to gagawin? Boss Don Quixotte is CEO, super sosyal, super hot, super clean. Ikaw? Super clumsy, super cheap, super duster girl!”
Napahiga ako ulit at tinakpan ang mukha ko ng unan. “Hay, baka pagdating ko doon, isipin nilang kasama lang ako sa catering. Or worse, isipin nilang ako yung taga-walis sa entrance!”
Tumayo ako bigla at naglakad paikot sa maliit kong kwarto. Kinuha ko ang maliit kong bag kung saan nakatupi ang iilang damit ko. Binuksan ko at isa-isa kong tiningnan.
“Okay… first option.” Nilabas ko yung favorite kong duster na may bulaklak. Pink na faded at medyo butas na sa gilid. “Nope. Mukha akong magtitinda ng kakanin sa tabi.”
Next, yung kulay dilaw na blouse na may cartoon character sa harap. “Eh baka isipin nila mascot ako ng candy.”
At ang last option… isang simpleng puting blouse na manipis at kulubot na parang pinagulong sa alon. “Okay… maybe this one… pero wala akong plantsa, at kahit meron… baka masunog ko lang ulit.”
Umupo ako sa gilid ng kama at napahawak sa noo ko. “What to do, what to do…”
Naalala ko bigla yung mukha ni Boss Don kanina habang sinasabing “Don’t embarrass me, Mira.” Ang lamig ng boses niya, parang aircon sa freezer. Kung makita niya akong naka-duster sa malaking event na ‘yon, baka doon na talaga niya ako i-fire for good.
Napatingin ako sa salamin na nasa sulok ng kwarto. Medyo gasgas na yung salamin pero kita ko pa rin yung mukha kong walang ayos, buhok kong nakapusod lang at may tatlong malikot na hibla na parang antena.
“Eh paano ba kasi, Mira,” sabi ko sa sarili ko, “probinsyana ka lang naman. You are not pang-mayaman look. Pero maybe… maybe we can try to be… konting sosyal lang, konti lang. Hindi naman ako kailangan maging queen, kahit hindi na maganda, basta huwag lang mukhang katulong.”
Tumayo ako bigla at kinuha yung puting blouse. Pinagpag ko ito. “This will do. But need to fixing… kailangan plantsahin. Pero paano? Last time I using plantsa, muntik nang masunog buong kusina.”
Napakagat labi ako, naalala yung nangyari noon. Si Boss Don, halos sumabog ang ugat sa leeg sa sobrang galit. At ngayon, baka maulit ulit kung magkamali ako.
“Miko will be there… I need to look good… kasi I’m his babysitter, right? Babysitter need to look… professional looking!”
Naglakad ako ulit sa harap ng salamin, sinubukan kong mag-ayos ng buhok ko gamit lang ang kamay. “Okay… maybe I tie my hair nice… like bun-bun. Or ponytail na sosyal. Or… or I let it down, parang artista. Pero baka mukha akong basahan.”
Pinikit ko ang mata ko, nag imagine ako.
Ako, nakaayos, naka-blouse na plantsado, konting pulbos lang sa mukha, naka-ponytail na malinis. Tapos pagpasok ko sa event, titignan ako ni Boss Don ng seryoso… tapos baka sabihin niya, “Not bad, Mira. You look… decent.”
Napangiti ako sa sarili kong imahinasyon. “Oh my gosh, if he say that, that’s like… winning Miss Universe already.”
Pero agad akong bumalik sa realidad. Tiningnan ko ulit yung blouse kong gusot at huminga nang malalim. “Pero paano ko plantsahin? Maybe I try again… pero dahan-dahan lang, I will not burn the house this time.”
Napalingon ako sa orasan. “Oh my gosh, one day na lang pala bago event!”
Nagpalinga-linga ako sa maliit na kwarto, parang naghahanap ng magic. Pero wala namang biglang lalabas na fairy godmother. Ako lang, si Mira, at isang plantsa na parang bomba kapag mali ang pindot.
“Okay, Mira,” sabi ko sa sarili ko na parang pep talk. “We can do this. We will do plantsa practice tonight. We will not die. We will not make sunog.”
Napaupo ako ulit sa kama, pero napatingin ako sa bintana. Nakita ko yung liwanag ng buwan, at doon ko naisip…
“Basta, kahit ano pang mangyari bukas, I will be best version of me. Because… because maybe if I do good… Boss Don will trusting me more. And maybe… he will not fire me anymore.”
Napangiti ako kahit kabado.
“At kung hindi man ako maging pretty… at least, Miko will be proud. Kasi kahit palpak ako sa lahat… at least sa kanya, I want to look like a hero.”
Humiga na ako at tinakpan ang sarili ko ng kumot. Pero habang nakapikit ako, hindi ko mapigilang kabahan.
Kaya ko ba talaga ‘to? O mapapahiya lang ako bukas?
Syempre lumabas ako ng kwarto ‘no.
“Focus, Mira, focus… Plantsa lang ‘to. Hindi naman ‘to bomba. Just… slow and gentle.”
Nakatayo ako ngayon sa may laundry area, nakatingin sa plantsa na parang kalaban ko sa labanang wala akong alam. Kaya ko ‘to, kaya ko ‘to.
Kinuha ko ang blouse ko—‘yung pinili kong puti na medyo gusot pero pwede pa sana—and nilagay sa plantsahan. “Okay… konting init lang… para pantay ang plantsa… para pretty ako bukas sa event.”
Ilang segundo pa lang…
“Uy, effective! Flat na siya agad!” bulong ko, proud na proud pa ako.
Pero biglang—
“SSSSHHHHHH!!!”
“AYYYYYY!!!” Mabilis kong tinaas ang plantsa at—ayun, may itim na markang parang sinunog na bacon sa blouse ko. At amoy sunog na ang paligid.
“OH MY GOSH! WAIT LANG! WAG KA SUMABOG!” Inangat ko ang plantsa, pero natamaan ko ang maliit na kurtina sa tabi at kumapit agad ang usok.
“AAAAYYY!!!” Tumakbo ako paikot, hinampas-hampas ang kurtina gamit ang kamay ko. “Hindi pwede masunog ang mansyon! Wala akong pambayad! Wala akong pambili ng bagong mansyon!”
Biglang bumukas ang pinto.
“MIRA!”
Parang bumagsak ang mundo ko nang makita kong nakatayo si Don Quixotte, seryoso at mukhang bibigwasan na ako sa init ng ulo. Agad niyang kinuha ang kurtina at mabilis na inapakan para patayin ang usok.
“Ano na naman ‘to?!” sigaw niya, hawak ang kurtina na ngayon ay may konting butas na. “Magsusunog ka na naman ng bahay?! Wala ka ba talagang alam!?”
Nakangiti ako nang pilit, parang tanga. “Sir, it’s not… not my fault po. The plantsa is very hot… and the blouse is very… um… weak.”
Tumitig siya sa akin, at kita ko yung ugat sa sentido niya na parang sasabog na.
Huminga siya nang malalim, pilit na kumakalma. “This is ridiculous. At anong susuotin mo sa event bukas kung ganito ang ginagawa mo?”
Napayuko ako, hawak pa rin ang sunog na blouse. “Wala na po… wala na akong damit…”
Tahimik siya sandali. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa—at kita ko sa mata niya na parang nawawalan na siya ng pag-asa sa akin. Pero sa halip na sigawan niya ulit ako, tumalikod siya at mariing nagsabi:
“Get ready. We’re going out. Bibili tayo ng damit para sa’yo.”
Napatanga ako. “Talaga po?! Sir, you mean… shopping?!”
Tiningnan niya ako ng matalim. “Huwag mong gawing parang date ‘to, Mira. Kailangan mo lang ng presentable na damit. Ayoko ng kahihiyan bukas.”
Pero sa loob ko? Oh my gosh… shopping date?!
Agad-agad narito na agad kami sa mall.
First time kong pumasok sa ganito ka-sosyal na mall. Ang laki, ang kinis ng sahig, at ang lamig ng aircon. Parang ayaw kong huminga nang malalim kasi baka magbayad ako ng hangin.
“Stay close. Huwag kang mawawala,” utos ni Boss Don habang naglalakad kami.
Tumango ako ng mabilis. “Yes po, sir. I will stick like… like linta po.”
Napatigil siya at tiningnan ako ng matalim. “Bad choice of words, Mira.”
“Ah… sorry po.”
Pagdating namin sa entrance ng isang mamahaling boutique, tumigil ako at tinanggal ko ang tsinelas ko. Nilagay ko sa tabi ng pinto.
“Anong ginagawa mo?” tanong ni Boss Don, kunot ang noo.
Ngumiti ako. “Sir, respect po. Sa probinsya kasi, pag mamahaling bahay… or sosyal na lugar… we leave slippers sa labas. Para clean and respect.”
Napatitig siya sa akin, parang gusto niyang sapakin ang sarili niya kung bakit ako pa ang napili niyang katulong.
Then he sighed at napakamot ng ulo niya. “You’re so clumsy… alam mo ba ‘yon?”
Ngumiti lang ako, proud pa. “Yes po, sir, I know. But clumsy with good heart po.”
Hindi na siya sumagot, tumalikod siya papasok sa boutique… pero after ilang hakbang, tumigil siya, bumalik sa entrance at kinuha ang tsinelas ko at bumalik sa kinatatayuan ko.
“Sir, wag na po—”
Pero tumingin lang siya sa akin nang seryoso. “Stand still.”
Tapos… oh my gosh…
Lumuhod siya sa harap ko. Luhod. As in sa harap ng maraming tao! Kinuha niya ang tsinelas ko at maingat na sinuot sa paa ko.
Parang huminto ang mundo ko.
“Sir… oh my gosh… are you… are you… proposing to me?”
Napatingin siya sa akin nang matalim. “What?”
Kinilig ako kahit malamig ang tingin niya. “You kneel in front of me… in public… like Cinderella moment… oh my gosh, sir, I will thinking about it, okay?”
“Thinking about what?” malamig niyang tanong.
“Your… your marriage proposal po.”
Napatingala siya, huminga nang malalim, at mariing pumikit na parang nagdarasal siya ng mahabang pasensya. “Mira… tumahimik ka na lang at pumasok na tayo. Now!”
Pero kahit galit siya, ako naman…
Oh my gosh… He knelt for me… in public! Kung hindi proposal ‘to, ewan ko na lang. Pero feeling ko… love na ‘to. Looove na ‘to!