Pagpasok namin sa boutique, para akong pumasok sa ibang planeta. Ang kinis ng sahig, ang bango ng hangin parang amoy bagong laba na may halong mamahaling pabango, at ang mga ilaw—parang spotlight sa bawat damit.
“Wow…” napabulong ako, hawak-hawak ang dulo ng laylayan ng blouse kong medyo gusot pa rin. “This is… sosying place.”
Napalingon sa akin si Boss Don, malamig pa rin ang tingin. “Stop talking. Just pick something decent.”
“Yes po, sir!” Tumango ako ng mabilis, parang robot.
Pero nang lumapit ako sa mga nakasabit na damit… halos mahulog ang panga ko.
“OH. MY. GOSH.” Napahawak ako sa tag ng unang damit. “Sir, is this… real price? Or joke lang?”
Sumilip si Boss Don mula sa likod ko. “How much?”
“Twelve thousand pesos po!” bulalas ko, parang sumabog ang utak ko. “Sir, for one dress?! Alam mo ba sa amin sa probinsya, twelve thousand… you can buy one cow already! Or maybe two goats and fifty chickens!”
Shalan! Alam ko naman ang English ng hayop ‘no.
Tumango lang siya, parang wala lang. “Just pick something.”
“Pero sir, grabe… kung susuotin ko ‘to, baka hindi ako makagalaw. Like… baka pag nahulog sa sahig, kailangan ko pang maghulog ng 100 pesos para damputin ulit!”
Napabuntong-hininga siya, halatang nauubos na ang pasensya niya. “Mira, just… pick one. Now.”
Tumango ako at lumapit sa iba pang racks. Kumuha ako ng isang kulay pula na parang pang-party. May mahahabang beads sa gilid. Tiningnan ko sa salamin.
“Sir, look oh! Pretty? I look like—” Tumingin ako sa sarili ko, proud pa. “—Miss Universe contestant! Maybe I can winning‘Best in Red Beadings!’”
Tiningnan lang niya ako mula ulo hanggang paa, walang emosyon. “You look like Christmas tree.”
Napangiwi ako. “Ah… okay. Not this one.”
Binalik ko yung pula at kinuha naman yung isang kulay dilaw na may malalaking ruffles. Nang sinuot ko sa harap ng salamin, feeling ko sosyal na sosyal ako.
“Sir, this is the one. Yellow is happy color, right?”
Tiningnan niya ulit ako at umiling lang. “You look like giant mango.”
“Ah… okay po…”
Kinuha ko naman yung isa, kulay asul, sobrang fitted, at may hiwa sa gilid na halos umabot sa hita. Pagkapasuot ko, parang nanigas ang katawan ko.
“Sir, what do you thinking? Sexys, right? Like artista?”
Nanahimik siya sandali, parang nag-isip kung sasabihin ba niya o hindi… tapos mariin siyang nagbuntong-hininga.
“You look… like you’re going to fall any second. It’s too tight. You can’t even breathe properly.”
“Ah… yes po, correct. I feel dizzying na nga.” Agad kong hinubad at nilagay sa rack.
Habang abala ako sa pagpili, may lumapit na saleslady. Mukhang masungit, nakataas ang kilay niya.
“Ma’am, please be careful with the dresses,” sabi niya nang malamig. “They’re expensive.”
Ngumiti ako nang malapad. “Yes po, I will be carefulness. Don’t worry, my hands is very soft, like… like lotion.”
Napataas ang kilay niya lalo. “Uh-huh.”
Narinig ko namang napahawak sa sentido si Boss Don, parang pinipigilan ang sarili niya.
After ilang minuto ng kababalik-balik sa salamin at pagpili, finally nakakita ako ng isang simpleng pastel pink dress. Walang masyadong arte, pero maganda ang hiwa sa balikat at tamang-tama ang haba.
“Sir, this one. Look!” Tumingin ako sa kanya, nakangiti pa. “Simple but elegante. You know… simple girl, simple dress… perfect for… future wifey material.”
Napatingin siya sa akin, seryoso pa rin. “It’s decent. Finally.”
“Really? So… you thinking I looking… pretty?”
Tumingin siya sa akin diretso, walang bakas ng kahit anong kilig. “I think you look… normal. And that’s enough.”
Ngumiti pa rin ako, kahit tinamaan ako ng salitang “normal.” Normal today, but maybe beautiful tomorrow. Baby steps, Mira. Baby steps.
Bumili na kami, at habang nagbabayad siya sa cashier, hindi ko maiwasang bulungan ang sarili ko.
“Mira Marinduque, remembering this moment. Boss Don buying dress for you. Maybe… maybe this is the start of love story. Shopping date plus Cinderella moment kanina? Oh my gosh, pak! Love team na ‘to!”
Narinig ko bigla ang boses niya sa likod ko. “What are you mumbling about?”
Napalingon ako, mabilis na ngumiti. “Nothing po, sir! Just… happy because… you are very kind boss!”
Tumingin lang siya, kunot pa rin ang noo. Pero kahit malamig siya, sa puso ko…
Oh my gosh, Mira… you’re winning. Slowly, but winning!
Pauwi na sana kami pero biglang tumigil si Boss Don sa paglalakad, parang may naalala. Tumingin siya sa akin, seryoso.
“Mira, may phone ka ba?”
Napangiti ako, proud pa. “Yes po, sir! I have phone! Very high-tech, very… um… communicableness.”
Napataas ang kilay niya. “Anong klaseng phone?”
Kinuha ko agad sa bulsa ko yung maliit kong keypad phone na halos punit na yung sticker sa likod at may crack na sa screen. Inangat ko pa para makita niya.
“See, sir? My phone is very good. It can text, it can call, and sometimes, if you push hard… the screen will light.”
Nanahimik siya sandali, parang hindi makapaniwala sa nakikita niya. “That’s not even… functional anymore.”
“Functional, yes po!” Tumango-tango ako. “But sometimes… it turn off by itself, pero if you shake strong… it will open again.”
Huminga siya nang malalim, hawak sintido niya. “That’s not acceptable. You’re taking care of Miko, kailangan mo ng maayos na phone. We’re buying you one.”
“Really, sir? You will buy me phone? Oh my gosh, thank you po, sir!”
Pero hindi pa siya tapos. “At Mira…” Tumitig siya sa akin ng malamig. “…stop speaking English. Your grammar is… painful to hear.”
Para akong tinamaan ng kidlat sa puso. “Painful… to hear?”
Tumango siya, seryoso pa rin. “Yes. Just… speak Tagalog. Please.”
Napayuko ako, kunwari okay lang. Pero sa loob ko… Ouch… my English is not appreciated… I study that hard… in province… alone! But… okay… maybe next time, I will speak better English and he will clap for me.
“Okay po, sir… I will Tagalog only.” Medyo malungkot pa ang boses ko.
Pumunta kami sa part kung saan may escalator. Nakatayo ako sa harap ng hagdang gumagalaw na parang makikipaglaban sa halimaw.
“Come on, Mira. We need to go up,” utos ni Boss Don.
Tinitigan ko yung escalator na parang buhay. “Sir… is this… safe?”
Napatingin siya sa akin, kunot ang noo. “It’s an escalator. Of course it’s safe.”
“Pero sir… parang snake… moving snake… what if it eat my feet? Or my slippers stuck and then—boom! My leg gone!”
Napailing siya. “Stop being ridiculous. Just step on it.”
Humawak ako sa gilid ng rail, nanginginig pa ang tuhod ko. Sinubukan kong ilagay ang paa ko pero bigla akong umatras. “Sir, I can’t. My feet don’t want to.”
“Mira, don’t start again,” sabi niya, medyo iritado na ang tono.
“Sir, really… my heart is beating fast… parang roller coaster but no seatbelt! Maybe I can just… crawling upstairs instead?”
Napabuntong-hininga siya nang malalim, kita sa mukha niya na ubos na ang pasensya niya. “We don’t have time for this.”
At bago pa ako makatanggi, bigla niya akong hinawakan sa bewang at binuhat na parang wala lang akong timbang!
“AYYYY, SIR!” napasigaw ako, halos mawalan ng hininga sa kilig. Nakayakap ako sa leeg niya habang mabilis niya akong nilakad paakyat sa escalator.
Parang huminto ang mundo ko. Amoy ko yung mamahalin niyang pabango, yung init ng braso niya na parang… Oh my gosh… parang prince carrying me like princess!
“Sir… you don’t need to… carry me like this… but… thank you…” bulong ko, halos mahimatay sa kilig.
Hindi siya sumagot, seryoso lang ang mukha niya, parang nagbubuhat lang siya ng sako ng bigas.
Pero sa utak ko? Oh my gosh… he carried me! In public! People are watching! Maybe they think we are lovers… maybe they think he’s my boyfriend… or… future husband!
Nilingon ko yung mga taong nakatingin sa amin. Nakita kong may dalawang saleslady na nagbubulungan habang nakatingin sa amin. Yes, mga ate, you see this? I’m the chosen one! He carry me! Hahaha!
Pagdating namin sa taas, marahan niya akong ibinaba. Diretso pa rin ang mukha niya, walang kahit anong emosyon.
“Next time, Mira,” malamig niyang sabi, “try not to act like you’ve never seen an escalator in your life.”
Tumango ako, nakangiti pa rin. “Yes po, sir. But… thank you for carry me. Very romantic po. Like… Cinderella moment part two.”
Napatingin siya sa akin nang matalim. “It’s not romantic. It’s called wasting my energy.”
Pero sa isip ko? No, sir… it’s romantic. Super romantic. And maybe next time… you will carry me again… but in church… with wedding gown…
Napangiti ako nang malapad habang naglalakad kami papunta sa bilihan ng phone.