Pagkapasok namin sa phone store, para akong pumasok sa museo ng mga mahika. Ang dami-daming kumikislap na gadgets sa loob ng glass, tapos may mga ilaw pa na parang kinikindatan ako.
“Wow…” napabulong ako, nakadikit pa halos ang mukha ko sa glass. “Para akong nasa ibang planeta…”
“Mira, wag kang dumikit sa glass. Nakakahiya,” malamig na sabi ni Boss Don, nakatayo lang sa tabi ko, naka-cross arms.
“Sorry po…” bulong ko, pero hindi pa rin ako mapigilan sa pagtitig. Ang dami kasing mamahaling cellphone—mga sosyal na kulay gold, silver, at may kumikislap pa na parang pang-artista.
Lumapit ang isang saleslady, naka-ngiti. “Good afternoon po, Sir, Ma’am. Looking for something particular?”
Bago pa ako makasagot, si Boss Don na ang nagsalita. “She needs a decent smartphone. Simple, pero reliable.”
Ako naman, napaangat ang kamay ko, parang estudyante. “Pwede bang tanong, ate?”
Ngumiti ang saleslady. “Yes po, Ma’am?”
Turo ko yung unang phone na nakita ko—kulay pink, sobrang kinis, at may sticker pa ng tatak na hindi ko alam basahin. “Magkano po ito?”
Ngumiti ang saleslady. “That one po? ₱65,000.”
Parang biglang sumabog ang tenga ko sa narinig ko. “Ha?! ANIMNAPU’T LIMANG LIBO?!”
Napalingon sa akin halos lahat ng tao sa store dahil sa lakas ng boses ko. Tumalikod ako kay Boss Don, halos maluha sa gulat. “Sir, ganito kamahal? Eh sa probinsya, ₱65,000—makakabili ka na ng kalahating baboyan at pang-ulam sa isang taon!”
Napahawak sa sintido si Boss Don, halatang nahihiya. “Mira, huwag kang sumigaw. Everyone’s staring.”
“Pero sir! Bakit ganito kamahal? Gold ba gawa niyan? May kasamang bahay at lupa?!”
Napabuntong-hininga siya. “We’re not buying that. Find something else.”
Lumapit ako sa isa pang phone, kulay blue, medyo maliit pero sosyal pa rin ang itsura. “Ate, magkano po ito?”
“₱32,000 po, Ma’am.”
“AY! Mas mura pero… tatlong buwan na sahod ko ‘to!” Halos mahulog ako sa kinatatayuan ko. “Sir, wag na. Baka masunog lang ‘to sa bulsa ko. Yung keypad ko nga, nahulog na sa balon, buhay pa!”
Tiningnan ako ni Boss Don na parang gusto na akong kaladkarin palabas. “You’re being dramatic again.”
“Sir, hindi po drama, totoo lang!”
Habang umiikot ako sa store, nakita ko yung isang medyo maliit na smartphone sa sulok. Simple lang, walang kislap, at parang hindi siya pang-mayaman. Nilapitan ko agad. “Ate, magkano po ito?”
“₱8,000 po, Ma’am.”
Napangiti ako nang malapad. “Sir, ito na lang! Mas mura! Parang cellphone ng normal na tao.”
Pero tumingin si Boss Don sa phone, tas tiningnan ako. “That’s too basic. You need something better.”
“Pero sir… ₱8,000 na ‘to. Hindi na ako manghihinayang pag nahulog sa kanal.”
Napailing siya. “You’re not supposed to drop it in a canal in the first place.”
“Eh kung aksidente, sir?”
Tumikhim lang siya at tinawag ang saleslady. “Show us something mid-range. Mga ₱25,000 to ₱30,000.”
“WHAT?!” Napasigaw ulit ako, halos malaglag yung panga ko. “Sir, ₱30,000… pangkasal na budget na ‘yan sa probinsya!”
Tiningnan niya ako nang malamig. “Do you want a decent phone or not?”
Napayuko ako, parang batang napagalitan. “Gusto po…”
Habang tinitingnan namin ang ibang models, lumapit ulit yung saleslady at binigay sa akin yung isang matte black na smartphone. Maganda siya pero hindi kasing kintab nung iba.
“Sir… okay na ‘to. Mukhang matibay. At black… hindi halata pag nalaglag.”
Tiningnan niya ako sandali, tapos tumango na rin. “We’ll take that one.”
Nagbayad siya sa cashier, at habang pinapack yung phone, nakatayo lang ako sa tabi niya, mahigpit ang hawak sa plastic bag ko, parang hawak ko na yung isang treasure chest.
Pero habang nakatingin ako sa kanya… napansin ko yung maliit na ngiti sa gilid ng labi niya. Hindi yung usual na malamig at suplado niyang mukha, parang konting aliw lang, konting amusement.
Oh my gosh… is Boss Don… smiling?
Kilig na kilig ako sa loob ko. Siguro natutuwa siya sa akin… siguro cute ako sa mata niya… kahit sinabi niyang wag na akong mag-English kasi masakit sa tenga niya…
Paglabas namin ng store, naglalakad siya sa unahan, seryoso pa rin ang mukha. Pero ako, hindi mapigilang ngumiti nang malapad habang tinitingnan yung bagong phone ko.
Bagong phone… bigay ni Boss Don… shopping date… at kanina, kargado niya ako sa escalator…
Napahawak ako sa pisngi ko, kinikilig. Mira Marinduque… you are winning. Slowly but surely… soon, love story na ‘to. Maybe… maybe next time, he will buy me ring!
Nasa loob na kami ng kotse, pauwi na. Tahimik si Boss Don, seryosong nakatingin sa kalsada habang nagmamaneho. Ako naman, nakaupo sa tabi niya, parang batang nakatanggap ng bagong laruan.
“Wow…” bulong ko, nakatutok sa bagong phone. “Ang kinis mo… ang ganda mo… parang artista…”
Binuksan ko yung phone at nagulat ako sa biglang tunog. “TING!”
“Oops… sorry…” binaba ko agad yung volume. Pero sobrang excited ako kaya sinubukan kong pindutin lahat ng mga icon. “Oh my gosh, may picture, may video, may kung anong parang tik… tik-something… tapos—ohhhh, may music player pa!”
Napatingin sandali si Boss Don, kunot noo. “Mira, focus ka lang sa phone, huwag kang mag-ingay.”
“Opo…” pero hindi ko pa rin mapigilang mapabulong habang nag-e-explore.
Pinindot ko yung camera, at dahil curious ako, tinitigan ko yung mukha ko sa screen. “Ay… ang puti ko rito… parang hindi ako Mira… parang sosyal na version ko… Hello, pretty girl!”
Napatahimik sandali si Boss Don pero kita kong umiling siya, parang pinipigilang matawa.
Habang naglalaro pa ako sa settings, biglang may narinig akong “beep,” tapos parang may kumislap na pula sa taas ng screen.
“Ha? Ano ‘to?”
Sinilip ko nang malapitan at biglang nag-pop up yung timer. “REC… 00:03… 00:04…”
“OH MY GOSH!” napatili ako nang mahina. “Nagvi-video pala ako! Paano to i-stop?!”
Agad kong pinindot-pindot lahat ng button pero imbes na ma-stop, nag-zoom pa lalo yung mukha ko sa screen. Kita ko tuloy ang butas ng ilong ko nang sobrang lapit.
“Ay susmaryosep… ang pangit!” Napangisi ako pero hindi ko mapigilang tumawa nang konti.
Napatingin si Boss Don, kita sa gilid ng labi niya na parang pinipigilang humalakhak. “Mira, tigilan mo yan bago mo mabitawan at mabasag.”
“Opo, opo, sir…” Sinubukan ko pang i-stop yung recording. Pero bigla akong napabulong, hindi ko namalayang naka-on pa pala yung video.
“Bagong phone… bigay ni Boss Don… Oh my gosh, parang love story na ‘to… shopping date plus he carried me sa hagdang gumagalaw… tapos ngayon… baka next time… baka next time, he will buy me ring na…”
Biglang tumigil ang mundo ko nang marinig kong umubo si Boss Don. Hindi yung normal na ubo—yung parang sinadya niyang iparinig sa akin.
Dahan-dahan kong tinaas yung tingin ko sa kanya… at nakita ko siyang seryosong nakatingin sa kalsada, pero kita ko yung pilit na pigil sa gilid ng labi niya.
“Oh no…” bulong ko, namumula na yung pisngi ko. Did he… hear that?! Oh my gosh, Mira, bakit ka ba nagdadaldal ng ganyan habang naka-record?
“Delete that video when we get home,” malamig niyang sabi, hindi tumitingin sa akin.
“Opo, sir,” mahina kong sagot, parang batang nahuli sa kalokohan.
Tahimik ulit kami ng ilang minuto, pero hindi ko mapigilan ang sarili kong ngumiti habang nakatingin sa bintana.
Pero teka… kung narinig niya yung sinabi ko, bakit parang hindi siya galit? At parang… parang… pinipigilan niya lang tumawa kanina?
Kinikilig ako sa loob ko kahit halata sa mukha niya na deadma siya. Don Quixotte, wag kang kunwari dyan… alam kong deep inside, natutuwa ka rin sa akin. Konting push na lang… magiging love team na tayo!