CHAPTER 14

1409 Words
Pagdating namin sa event hall ng Q Newspapers and Magazines Co., halos manlaki ang mata ko. Ang daming ilaw! Ang daming sosyal na tao! Ang lalaki ng mga chandelier, parang pwede nang gawing palanggana pag inalis. At ang sahig? Naku, parang salamin! Halos ayaw ko tapakan baka masira sa bigat ko. Nakasuot ako ng pink dress na binili namin kahapon, courtesy of Boss Don. Medyo makintab siya at may mga ribbon sa gilid kaya pakiramdam ko parang prinsesa ako. Si Miko naman, cute na cute sa maliit niyang suit. Hawak-hawak ko ang kamay niya, at habang naglalakad kami papasok, nakatingin lang siya sa sahig, mahigpit ang hawak sa daliri ko. “Don’t worry, Miko,” bulong ko sa kanya. “Ate Mira is here, okay? Smile ka lang…” Wala pa rin siyang sagot, pero parang humigpit yung hawak niya sa akin. At least, hindi siya tumatakbo palayo. Progress na ‘to. Habang inaayos ko ang buhok ko sa gilid, biglang may pumasok sa eksena. Si Casie Cage—nakasuot ng super hapit na black dress, parang kumikintab sa sobrang kinis. “Mira Marinduque…” ngumiti siya pero yung ngiting parang ahas. “So… ikaw pala ang dahilan kung bakit natagalan si Boss Don sa pagdating niya. Shopping-shopping pa, ha?” Napayuko ako sandali, mahina ang boses. “Eh… kailangan po kasi, company event, dapat presentable.” Ngumisi siya, tumingin sa akin mula ulo hanggang paa. “Presentable? Oh please, look at you.” Napataas ang kilay ko. “Bakit po?” Tiningnan niya ulit yung pink dress ko at halos matawa siya. “Mukha kang… lantang bulaklak. Parang ipit-ipit lang sa palengke tapos ginawang damit. Seriously, pink? Sa formal event?” Ramdam kong namumula yung tenga ko pero ngumiti lang ako, pilit pero medyo pilya. “Eh… at least po, kahit lantang bulaklak, bulaklak pa rin. Kayo po… black dress, parang… ah…” tumingin ako sandali, kunwari nag-iisip. “Parang… punerarya vibes.” Napalingon yung ibang tao sa amin, at may narinig pa akong mahina na tawa sa gilid. Kita kong nanlaki ang mata ni Casie, parang gusto na niya akong sabunutan. “Ano raw?!” singhal niya. Ngumiti ako ulit, parang inosente. “Eh totoo naman po… black is… you know, pang… seryoso. Ako, pink kasi… happy color. Diba, mas okay na happy bulaklak kesa… scary black lady?” Nagtaas siya ng kilay, halatang galit na. “Mira, don’t push it. Kahit anong pilosopong sagot mo, mukha ka pa ring cheap sa suot mo.” Napailing lang ako, kalmado pa rin. “Okay lang po. Cheap man o hindi, binili po ni Boss Don ‘to para sa akin. So kahit pa sabihin niyong lantang bulaklak ako… binili pa rin ako ng boss natin ng pink na bulaklak.” Nagtinginan yung ibang empleyado sa paligid, at yung iba napangiti na parang aliw na aliw sa asaran namin. Si Casie naman, halatang nagpipigil ng inis pero hindi makasagot agad. “Come, Miko,” sabi ko sabay akbay sa kanya. “Let’s go. Ayaw natin maipit ng sungay.” Halos malaglag yung panga ni Casie pero hindi na niya kami nasundan dahil mabilis kong hinila si Miko palayo. Habang naglalakad kami papunta sa table, napatingin ako kay Boss Don na nasa unahan. Nakatayo siya, kausap yung ilang executives, seryoso ang mukha niya as always. Pero swear, swear talaga… parang napansin kong may konting ngiti sa gilid ng labi niya habang nakatingin sa amin. Oh my gosh… he heard that? Nakita niya akong pinagtanggol ko ang sarili ko? Maybe… maybe he’s proud of me! Kinikilig ako sa loob ko kahit ang tahimik lang ng mukha niya. Pero syempre, deadma lang dapat ako para hindi halata. “Miko,” bulong ko sa kanya habang nakaupo kami sa table. “Did you hear that? Ate Mira… she’s strong, diba? I protect you and me from… malditang sungay.” Hindi siya sumagot, pero napansin kong parang kumunot yung noo niya sandali nung lumingon siya sa direksyon ni Casie. Humawak ako sa balikat niya, mahinahon. “Don’t worry… I will not let her hurt you. Promisely.” Nasa malaki at kumikislap na table na kami ngayon. Ang daming sosyal na pagkain sa harap ko—mga kung anong pasta na may kakaibang kulay, steak na parang maliit na karne lang pero sosyal daw sabi ng mga tao, at mga baso na parang hindi ginagamit sa kanto. Huminga ako ng malalim at pilit ngumiti. Okay, Mira… you can do this. Kumain ka na ng kamote sa probinsya, kumain ka na rin ng isaw… kaya mo ‘to. Tumingin ako sa paligid, puro sosyal ang kilos ng mga tao. Yung iba, ang tahimik kumain, parang may rehearsal pa kung paano hawak ang kutsara. Ako naman, nagkamot sa ulo habang tinitingnan yung plato ko. “Paano ba ‘to kinakain? Ang liit ng karne pero ang dami nilang tinidor at kutsilyo…” Kinuha ko yung pinakamaliit na kutsilyo, tapos sinubukan kong hatiin yung steak. Easy lang, Mira… slice lang. “Eeeekkk…” muntik nang lumipad yung steak kasi sobrang tigas. Napalakas yata ang pagkakataga ko at kumalabog pa yung plato. Lumingon ang ilang tao sa table, pati si Boss Don na katapat ko. Napangiti ako ng pilit, parang wala lang. “Ops… sorry po, first time…” bulong ko sa kanila pero tinuloy ko pa rin yung pagslice. Finally, nakakuha ako ng maliit na piraso. Nilagay ko sa bibig ko at ngumiti, kunwari alam ko ang ginagawa ko. Pero sa totoo lang… ang alat! Halos mapaluwa ko yung unang subo. “Lasang dagat…” bulong ko sa sarili ko. Napatingin sa akin yung katabi kong babae na nakarinig yata, kaya ngumiti na lang ako at kunwari ngumunguya ng maayos. Bawal sumuka, Mira. Magpaka-sosyal ka kahit kaunti. Bigla kong naisip na baka mas safe kumain ng pasta. Kinuha ko yung fork at tinusok ko agad yung pasta. Pero mali yata kasi sumabit yung buong noodles at nung nilapit ko sa bibig ko, parang sinampal ako ng mahaba at madulas na pasta sa pisngi. “Aw!” napaungol ako nang mahina, sabay punas sa mukha ko. Narinig ko yung mahina pero malinaw na buntong-hininga ni Boss Don. Tumingin siya sa akin, seryosong mukha pero parang… parang pinipigilan niya lang ang matawa. “Mira…” malamig niyang bulong, nakatingin sa akin. “Eat properly.” “Opo…” sagot ko agad, parang batang nahuli sa kalokohan. Habang busy ako sa pakikipaglaban sa sosyal na pagkain, napansin kong tahimik si Miko sa tabi ko. Hindi siya kumakain, nakatingin lang siya sa plato niya, parang malayo ang iniisip. “Miko, you wanting me to help you?” bulong ko. Hindi siya sumagot kaya kumuha ako ng maliit na piraso ng steak at tinusubuan ko siya. Mabuti nalang, kumain siya kahit tahimik. Pero napansin ko bigla—tuwing lumalapit si Casie sa table, parang nag-iiba ang aura ni Miko. Kanina medyo relaxed siya, pero ngayon… nanginginig yung kamay niya habang hawak ang tinidor. Napatingin ako sa kanya. “Miko…” bulong ko, mahina. Nakatingin lang siya kay Casie, yung mga mata niya parang takot na takot. Hindi ito yung normal na hiya o kaba lang—parang takot na parang gusto niyang tumakbo. Bakit ganito ang reaksyon niya kay Casie? tanong ko sa isip ko. Lumingon ulit ako kay Casie, na ngayon ay nakikipag-usap sa ibang tao pero may tingin pa rin sa amin. Nang tumingin siya sa amin sandali, biglang hinigpitan ni Miko ang hawak niya sa kamay ko, parang humihingi ng tulong kahit hindi siya nagsasalita. He’s terrified. Hindi lang siya nahihiya—natatakot siya kay Casie. Huminga ako ng malalim at hinawakan ang kamay niya. “Don’t worry, Miko. Ate Mira is here,” bulong ko, kahit hindi siya sumasagot. Pinisil ko yung kamay niya, parang gusto kong iparamdam na safe siya sa tabi ko. Pero sa loob-loob ko… nag-aalab na yung curiosity ko. Ano bang meron kay Casie at ganito katakot si Miko sa kanya? Habang nakatingin ako kay Casie na ngayon ay nakangiti pero halatang plastic, nagdesisyon ako sa isip ko. Hindi puwedeng palagi siyang ganito. Kailangan kong malaman kung ano ang koneksyon nila. Kailangan kong alamin kung bakit takot na takot si Miko sa babaeng ‘to. Ngumiti ako kay Miko, kunwari wala lang. Pero sa loob-loob ko… Mira Marinduque, you need to investigate. Pero… kumain ka muna ng sosyal na pagkain ng maayos bago ka gumawa ng plano. Baka ikaw pa ang unang matanggal sa trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD