“Ladies and gentlemen, let’s welcome our CEO, Mr. Don Quixotte,” malakas ang boses ng host habang pumalakpak ang lahat.
Parang artista si Boss Don habang umaakyat siya sa stage. Ang pormal niya sa suit niya, at yung presensya niya… grabe, parang lahat ng tao nakatingin lang sa kanya. Proud na proud ako sa loob-loob ko kahit hindi ko pwedeng ipakita—baka isipin niya delulu na naman ako.
Nakahawak ako sa kamay ni Miko habang nakaupo kami sa gilid. Tahimik pa rin siya, nakatitig lang sa plato niya kanina, pero ngayon… napansin kong naninigas siya.
“Miko?” bulong ko. “Okay ka lang?”
Hindi siya sumagot. Nakatingin siya sa stage, pero biglang nag-shift yung tingin niya… papunta kay Casie na ngayon ay nakatayo malapit sa amin. Nakangiti si Casie sa ibang tao, pero nung lumingon siya sa direksyon namin, parang nag-freeze si Miko.
Oh no… eto na naman.
Hinawakan ko yung kamay niya pero parang lalong humigpit ang hawak niya sa akin. Halos maputol na yung daliri ko sa lakas ng kapit niya.
“Miko, hey… okay lang…” mahina kong sabi, pilit ngumingiti para hindi mahalata ng iba. Pero ramdam kong nanginginig siya.
Biglang… bago ko pa siya mapigilan, bumitaw siya sa kamay ko at tumayo.
“Miko!” bulong ko, pero huli na. Tumakbo siya papunta sa stage—diretsong umakyat kahit may mga tao pa roon!
“Oh my gosh!” napatayo ako, halos matumba yung upuan sa likod ko.
“Wait! Wait, Miko!” dali-dali akong humabol pero syempre, hindi ako pwede sumugod sa harap ng mga sosyal na bisita. Kaya naiwan akong parang timang sa gitna ng venue, hawak pa rin yung pink na dress ko para hindi ako matapilok.
Pagdating ni Miko sa stage, diretso siyang lumapit kay Boss Don. Ang tahimik ng buong venue, parang naputol ang musika. Lahat ng mata, nasa amin.
“Papa!”—hindi ko narinig na sinabi niya, pero narinig kong mahina siyang umiiyak habang yakap-yakap niya si Boss Don sa harap ng lahat.
Oh my gosh… umiiyak siya sa harap ng lahat!
“Bakit siya umakyat?! Bakit siya umiiyak?!” may narinig akong bulong ng mga tao.
Nakatayo lang ako sa gilid ng stage, parang estatwa. Hindi ko alam kung sisigaw ba ako, tatakbo, o lulubog na lang sa sahig.
Doon ko nakita ang mukha ni Boss Don—seryoso siya, pero halatang nagulat din. Yung presentation niya na dapat nagsisimula na? Wala na. Lahat ng tao nakatingin lang sa kanya habang yakap-yakap ni Miko.
At ako? Nakatayo lang, hawak ang dibdib ko. Parang gusto kong himatayin.
Doomed. I’m doomed. Mira Marinduque, tapos ka na. Buhay ka pa ba bukas? Hindi ka na buhay bukas.
“Shh… Miko, calm down,” mahina kong bulong habang nasa gilid pa rin ako. Pero hindi ko alam kung naririnig ba niya ako. Nakayakap pa rin siya kay Boss Don, at halata sa buong mukha niya ang takot.
Napatingin ako kay Casie. Ayun siya, nakatayo lang, kunwari nag-aalala pero halata ko yung bahagyang iritasyon sa mata niya. At doon ko mas lalong nakumpirma—this is not normal. Takot na takot talaga si Miko sa kanya.
Pero syempre, hindi ko puwedeng sabihin yun ngayon. Kasi ngayon… ang dami-daming mata na nakatingin sa amin.
“Mira…” mahina kong bulong sa sarili ko. “Kailangan mong ayusin ‘to… kailangan mong…”
Pero hindi ko na natuloy kasi lumingon sa akin si Boss Don mula sa stage. Yung tingin niya? Ay grabe, parang laser na dumiretsong tumagos sa kaluluwa ko.
Napatayo ako ng diretso, parang batang nahuli sa kalokohan. Pilit akong ngumiti, pero alam kong hindi nakatulong yun.
Oh no. Oh no. Tapos na talaga ako.
Habang umiiyak pa rin si Miko sa stage, naririnig ko ang bulungan ng mga tao.
“Who is that woman with the kid? Bakit parang katulong siya?”
“Hindi ba siya yung taga-mansion ni Don Quixotte?”
“Ang gulo naman, ang formal ng event tapos may batang nagwawala?”
Lalong bumagsak ang balikat ko. Wala na. Lagot na talaga ako.
Huminga ako ng malalim, pilit kong pinakalma yung sarili ko. “Mira… kalma. Hindi ka puwedeng sumuko. Kahit lagot ka mamaya, focus ka muna kay Miko.”
Kaya kahit nanginginig yung tuhod ko, lumapit ako sa gilid ng stage at nakayuko ng konti.
“Miko…” tawag ko ng mahina, hindi ko alam kung naririnig ba niya. “It’s okay. Ate Mira is here…”
Pero hindi siya bumitaw kay Boss Don. Yakap niya pa rin ito ng mahigpit, umiiyak pa rin.
At ako? Nakatayo lang, hawak ang dibdib ko, pilit hindi umiiyak.
Hindi ko siya masisisi. Takot talaga siya. Pero… pero paano na ako mamaya? Lagot ako kay Boss Don…
Napatingin ako ulit kay Boss Don na ngayon ay nakatingin sa akin mula sa stage. Mas lalong tumindi yung kaba ko.
Patay. As in literal… tapos na ang career ko bilang alalay. Goodbye, mansyon. Goodbye, trabaho. Goodbye, bagong phone. Goodbye, pink dress.
After ng event, I know malapit na ang kataposan ko.
Tahimik. As in super tahimik sa loob ng sasakyan.
Nakaupo ako sa likod kasama si Miko na nakasandal sa balikat ko, nakatulog na sa pagod sa kaiiyak. Nasa unahan si Boss Don, nagmamaneho, pero ramdam ko kahit nasa likod ako—ang lamig ng aura niya. Hindi malamig na tipong aircon, ha, malamig na parang… iceberg na handang sumalpok sa Titanic.
Nakatitig lang ako sa bintana, hawak ang kamay ni Miko, pero sa loob-loob ko? Grabe, para akong kinukuryente sa kaba.
Okay, Mira… kalma. Hindi pa siya nagsasalita. Huwag kang gumawa ng kalokohan. Think… think of 1000 ways para hindi ka matanggal…
Huminga ako ng malalim at nagsimula sa isip ko:
Number 1. Magluto ako ng masarap na ulam bukas. Kahit hindi ako marunong, basta pagsasama-samahin ko lahat ng nasa kusina.
Pero… Mira, naalala mo last time? Halos sumabog yung kalan sa tinola mo? Okay, scratch that…
Number 2. Maglinis ako ng buong mansyon nang sobrang linis—tipong pwedeng mag-slide si Boss Don sa sahig sa kakinis.
Pero… baka madulas si Boss Don at mas lalo akong mapagalitan. Next…
Number 3. Mag-alay ako ng pagkain kay Miko na hindi sosyal—yung alam ko! Like pritong itlog! Pritong itlog is safe!
Pero baka mainis si Boss Don pag nalaman niyang itlog lang ang pinakain ko sa anak niya…
Number 4. Isusulat ko sa notebook na pasasalamat sa boss ko. Gagawa ako ng sulat na may malaking "Thank you Boss Don for not firing me!" para maawa siya.
Pero baka basahin niya nang malakas tapos mapansin niya yung mali kong grammar. Lagot lalo ako…
Habang isa-isa kong binubuo sa utak ko ang mga kabaliwan kong plano, biglang tumingin ako sa rearview mirror. Ayun… nakita ko yung mga mata ni Boss Don.
Nakatitig siya saglit, seryoso at malamig pa rin yung expression niya.
Napalunok ako at mabilis na umiwas ng tingin, kunwari busy sa bintana. Oh my gosh, nakita niya akong nag-iisip! Baka iniisip niyang nagpa-plano akong sumablay ulit sa event niya!
Number 5. Magdasal nalang ako. Oo, yun na yun. Pray Mira, pray!
Pero bigla akong napatingin kay Boss Don ulit sa rearview mirror. Nandoon pa rin yung tingin niya—seryoso, malamig, parang may binabasa sa mukha ko.
Huminga ako ng malalim at nag-isip ng isa pang plano.
Number 669. Magpaka-mabait kay Boss Don. As in super bait. Wala nang pabalik-balik na pilosopo. Kahit anong sabihin niya… smile lang ako. Kahit sabihing "You’re fired", smile pa rin…
Pero sa isip ko, napahawak ako sa dibdib ko. Pero paano kung totohanin niyang i-fire ako? Paano na yung trabaho ko? Paano na yung ipinapadala ko sa probinsya? Paano na yung bagong phone na binili niya para sa akin?!
Napatitig ako kay Miko na tulog na tulog sa balikat ko. Hinaplos ko yung buhok niya, mahina.
“Miko,” bulong ko ng mahina, “Ate Mira will protecting you no matter what… kahit… kahit tanggalin ako bukas.”
Biglang gumalaw si Miko, parang narinig niya ako kahit tulog. Hinigpitan niya ang hawak sa braso ko, parang instinct na ayaw niyang bitiwan ako.
Napatingin ako sa kanya at kinagat ko yung labi ko para pigilan ang luha. Hindi puwedeng mawala ako sa mansyon. Hindi puwedeng iwan ko si Miko…
Tumingin ako ulit kay Boss Don sa harap. Tahimik lang siya, pero ramdam ko yung tensyon sa buong kotse. Wala siyang sinasabi—pero minsan, mas nakakatakot yung ganun.
Diyos ko… mas gugustuhin ko pang sigawan niya ako kaysa sa ganitong katahimikan…
Bigla, narinig ko ang mabigat niyang buntong-hininga.
“...” Wala pa rin siyang sinabi pero naramdaman ko yung malamig niyang presensya. Parang… parang binibilang na niya sa utak niya kung ilang beses ko nang ginulo yung buhay niya.
Napapikit ako sandali.
Number 700: Magluhod ako bukas kung kailangan. Kahit pa ipahawak niya sa akin ang buong sahig, luluhod ako… wag lang akong tanggalin.
Habang bumabaybay ang sasakyan pauwi, ramdam kong papalapit kami sa mansyon. At habang mas lumalapit kami… mas mabilis ang t***k ng puso ko.
Sa isip ko, inuulit ko ang mantra ko: “Smile ka lang, Mira. Smile lang kahit tanggalin ka… baka sakaling maawa siya…”
Pero sa totoo lang, gusto ko nang mahimatay sa kaba.