CHAPTER 16

1435 Words
Pagkapasok namin sa mansyon, tahimik pa rin si Boss Don. Parang wala lang sa kanya na nakakahiya kami kanina sa event, pero alam ko—alam kong iniipon lang niya ang sermon para sa akin mamaya o bukas. Hawak-hawak niya si Miko, mahimbing nang natutulog sa balikat niya. Nang makita ko kung paano niya buhatin yung bata, parang biglang lumambot ang puso ko. Ang tapang niyang tingnan kanina sa stage, pero ngayon, parang ibang Don Quixotte ang nakikita ko—yung Don na tatay lang talaga, sobrang protektado ang anak. Hay… ang bait niya kay Miko… pero sa akin? Iceberg level! Naglakad siya paakyat ng hagdan, seryoso pa rin, hindi man lang ako tiningnan. Naiwan lang ako sa sala, nakatayo na parang estatwa, hawak ang bag kong binili niya kanina. Nilingon ko yung orasan sa dingding. 11:48 PM. Lagpas alas-onse na… lagot ka bukas, Mira. Tanggal ka na sa trabaho. Sigurado ‘yon. Umupo ako sa malaking sofa at napatingin sa kisame. Tahimik sa buong mansyon, maliban sa malakas na hampas ng ulan sa labas. Parang sinasabayan pa ng kulog ang kaba ko sa dibdib. Napayakap ako sa sarili ko, tapos huminga ng malalim. Okay… practice time. Kailangan kong magmakaawa bukas. Kahit anong mangyari, kailangan kong makumbinsi si Boss Don na huwag niya akong tanggalin… Tumayo ako bigla sa harap ng malaking salamin sa sala at nagsimula akong mag-practice. “Boss Don…” nagsimula akong pabulong, kunwari andun siya. “Please po, wag niyo po akong tanggalin. Promise po, hindi na po mauulit…” Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, kunot-noo. “Ay, ang pangit. Parang guilty na guilty. Kailangan medyo cute para maawa siya.” Huminga ako at sumubok ulit, this time nilagyan ko ng pilit na ngiti. “Boss Don…” ngumiti ako nang tipid, parang batang nahuling kumain ng kendi. “Sorry po sa gulo… promise, I will… este… I will be betterness next time…” Napahinto ako bigla. Ay, bawal mag-English! Sinabihan na nga pala ako kanina na mali-mali grammar ko! Tinakpan ko ang bibig ko. “Ay, bawal nga pala. Dapat Tagalog, Mira!” Huminga ako nang malalim at nagsimula ulit, full Tagalog mode. “Boss Don…” pinilit kong gawing cute yung boses ko, parang batang magso-sorry sa tatay niya. “Pasensya na po talaga. Hindi ko po sinasadya, at gagawin ko po lahat… huwag niyo lang po akong tanggalin. Promise po, kahit maglinis ako ng banyo araw-araw, kahit magluto ako ng… ng itlog na sampu para sa inyo araw-araw!” Napahinto ako, tapos napahawak sa mukha ko. “Ay, parang tanga naman yung itlog na sampu…” Napatingin ako sa bintana—ang lakas pa rin ng ulan, may kasamang kidlat. 12:03 AM na pala. Naupo ulit ako sa sofa, pero hindi ko mapigilang magpatuloy ng practice. “Boss Don…” nagpa-cute ako ulit kahit ako lang mag-isa. “Please po, isipin niyo nalang si Miko… Kung aalis po ako, sino po ang magpapakain sa kanya? Sino po ang magbabantay? Sino po ang maglalaro kasama niya? Ako lang po ang nakakaintindi sa kanya dito!” Parang naiyak ako sa sariling dialogue ko. “Ay, oo nga no… si Miko. I know kaya niya kahit wala ako. Pero kahit na… gusto ko lang mag-stay dahil gusto ko pang malaman kung bakit takot na takot si Miko kay Casie na super maldita di naman bagay.” Napatingin ako sa taas, sa direksyon ng kwarto ni Miko. Paano na lang siya kung tatanggalin ako? Ayaw niya kay Casie… at wala naman siyang ibang binabati dito sa bahay kundi ako. Paano na siya? Napahigpit ako ng yakap sa throw pillow. Hindi talaga pwede. Hindi pwede akong matanggal. Kailangan kong mag-stay para kay Miko… Biglang kumulog sa labas, sabay bagsak ng mas malakas na ulan. Parang mas lalo akong kinabahan, parang sign na oo, Mira, lagot ka na talaga bukas. Tumayo ako ulit, pumunta sa malapit na kurtina, tapos sumilip sa labas. Basang-basa ang mga halaman sa garden, at ramdam kong ang lamig sa loob ng mansyon. Napahawak ako sa dibdib ko. Bukas, sigurado akong tatawagin niya ako. Tapos… boom. Fired. Wala nang Mira sa mansyon. Pero sa likod ng utak ko, may isa pang delulu na pumapasok. Pero… baka… baka naman kapag nakita niyang sincere ako, baka maawa siya? Napangiti ako kahit medyo luhaan. “Oo, Mira… baka naman maawa siya. Hindi pa tapos ang laban.” Tumingin ulit ako sa salamin, itinayo ang sarili ko, at tinuro yung sarili kong reflection. “Laban, Mira. Laban. Para kay Miko. Para sa trabaho. At para… kay Boss Don.” Nag-pose pa ako ng konting fist pump kahit ako lang mag-isa. Basang-basa ng ulan ang salamin ng malaking bintana sa sala. Tahimik pa rin akong nakaupo sa sofa, yakap ang throw pillow, paulit-ulit na iniisip kung paano ako magmamakaawa bukas. Pero bigla… Tok! Tok! Tok! Narinig ko ang mabibigat na yabag sa hagdan. Napalingon ako kaagad—at doon ko siya nakita. Si Boss Don. Bumaba siya mula sa hagdan, basang-basa ng galit ang buong aura niya. Hindi ko alam kung dahil sa event kanina o dahil nakikita niya lang ako rito, pero ramdam kong hindi ‘to yung normal na malamig na Don Quixotte. Iba ‘to. Galit na galit siya. Halos nakatayo na ako nang kusa. “B-boss Don…” mahina kong sabi. Pero bago pa ako makalapit, BOOM! sumabog ang boses niya sa buong sala. “What the hell were you thinking, Mira?!” bulyaw niya, sobrang lakas ng boses niya na parang nabingi ako sandali. Tumayo siya sa gitna ng sala, nakatitig sa akin na parang gusto na niya akong lunukin nang buo. Napaatras ako, halos mapaupo ulit sa sofa sa takot. “B-boss Don… I… I’m—” Pero hindi ko na natuloy. “You humiliated me in front of everyone!” tuloy niya, tumataas ang tono ng boses niya bawat salita. “You were supposed to watch over Miko—HINDI PARA GAWING CIRCUS ANG EVENT KO!” Napapikit ako sa sakit ng boses niya. Ramdam kong parang tinatamaan ang puso ko sa bawat salita niya. “B-boss, sorry po talaga… hindi ko po sinadya…” mahina kong sagot, nanginginig yung boses ko. Pero lalo lang siyang nagalit. “SORRY?!” malakas niyang sigaw. “SORRY IS NOT ENOUGH, MIRA! Miko cried in front of everyone! He climbed the stage like it’s a playground—and you just sat there!” Napayuko ako, pero hindi ko mapigilang umiyak. Dumaloy na yung luha ko habang nakatayo ako sa harap niya, hawak ang palad ko sa tiyan na parang kailangan kong kumapit sa sarili ko para hindi mahimatay. Tumingin siya sa akin, nanlilisik yung mga mata niya. “I am VERY disappointed in you.” Yung tono niya—sobrang lamig pero sobrang lalim ng tama sa akin. Para akong binuhusan ng yelo sa buong katawan. Huminga siya nang malalim, pero hindi bumaba ang galit sa mukha niya. Tumingin siya sa akin na parang tapos na talaga siya sa pasensya niya. “Bukas, pagbangon mo, wala ka na rito. Get out of my mansion, Mira. Or else… ako mismo ang magdadala sa’yo palabas.” Parang huminto ang mundo ko sa sinabi niya. “B-bukas po…?” mahina kong sabi, nanginginig yung labi ko. “Boss Don… please po… wag po…” Napaluhod ako sa harap niya bigla, hindi ko na kinaya. Hinawakan ko yung laylayan ng pantalon niya kahit basang-basa na ng luha yung mukha ko. “Boss Don, please… bigyan niyo po ako ng second chance! Hindi ko po intensyon na masira yung event… ayaw ko pong mawala rito… kay Miko po…” Umiling siya, malamig pa rin. “No, Mira. You’ve caused enough trouble.” Tinalikuran niya ako at lumakad palayo, pero huminto siya sandali para lingunin ako saglit. “Pack your things tomorrow. And don’t you dare argue again.” At tuloy-tuloy siyang umakyat, iniwan akong nakaluhod pa rin sa malamig na sahig ng sala, nanginginig sa iyak. Hindi ko na napigilan. Umiyak ako nang husto, hawak-hawak yung throw pillow na kanina ko pa yakap. “Boss Don… wag po…” bulong ko kahit wala na siya sa harap ko. Pero wala na. Galit na galit siya. At hindi siya nagbigay ng kahit katiting na second chance. Nilingon ko yung hagdan kung saan siya umakyat kanina, pero tahimik na ulit ang buong mansyon. Ang maririnig mo lang ay yung malakas na ulan sa labas at yung hikbi kong paulit-ulit. “Paano na ‘to…” bulong ko sa sarili ko, tinatago yung mukha ko sa throw pillow. “Paano na ako… paano na si Miko…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD