Kung may best actress award lang para sa pinakamasungit na tao sa mundo, sure winner na si Casie. At eto na naman siya—parang bigla na lang dumapo sa mansyon ngayong umaga, naka-heels na parang itatakbo na sa fashion show, at naka-lipstick na mas mapula pa sa ketchup. “Mira!” malakas niyang tawag habang papasok sa sala, parang siya ang may-ari ng buong bahay. “Nasaan na ‘yung kape ko? Bakit wala pa?” Nagpipiga pa ako ng basahan habang nakaluhod sa sahig, pero ngumiti ako kahit obvious na gusto kong sabunutan ang sarili kong buhok. “Ay, good morning din sa’yo, Ma’am Casie. Gusto mo ng masarap na kape? O masarap na tsismis muna?” Napailing siya at lumapit ng bigla. “Alam mo, Mira, kung hindi ka lang pinagtyatyagaan ni Don dito, kanina ka pa natanggal. Masyado kang palpak.” Sabay abot ng m

