Maaga pa pero para akong zombie na gumagalaw habang nagwawalis sa lumang bahagi ng mansyon. Ito ‘yung part na halos walang pumapasok dahil luma na ang mga gamit at puro alikabok. Ang utos kasi ni Boss Don: “Clean every corner, Mira. Hindi porket luma, pababayaan mo na.” “Yes, Boss Don… you’re very mabusisi talaga sa buhay, ano?” bulong ko sa sarili ko, saka ako napabuntong-hininga habang pinupunasan ang lumang aparador. Hindi ko na maalala kung ilang beses na akong bumahing sa kapal ng alikabok. Habang naglilinis, napansin kong may nakasiksik sa ilalim ng makalumang cabinet. Napaupo ako at dinukot iyon—isang lumang photo album na kulay maroon, medyo pudpod na ang gilid. “Oh… ano ‘to?” mahinang bulong ko. Syempre, curious ako, at alam mo naman ako—hindi ako marunong magtimpi pagdating sa

