CHAPTER 8

1691 Words
Gabing-gabi na. Tahimik ang buong mansyon. ‘Yung tipong maririnig mo pa ang hinga ng ilaw kung meron man ‘yon. Tapos ako? Gising pa rin, naglalakad sa hallway. Hindi dahil may multo– although aminado akong nagdadasal ako tuwing madilim ang daan… kundi dahil naiihi ako at wala nang tubig sa kwarto. Pagdaan ko sa may east wing—‘yung part ng bahay na laging nakakandado, laging may “do not enter unless you want to be disowned” aura—may narinig akong mahinang tunog. Plink. Plink... plink. Teka lang... Tumigil ako. Kinilabutan ako sandali. Hindi ko alam kung imagination ko lang o may tunog nga ng piano. Kaya nilapit ko pa sarili ko. Barefoot lang, tahimik na parang pusa. Sumilip ako sa maliit na awang ng slightly bukas na pinto ng music room. At doon ko siya nakita. Si Don Quixotte. Mag-isa. Naka-upo sa harap ng lumang grand piano, ‘yung kulay pearl white na may ukit ng bulaklak sa gilid. Wala siyang suot na coat. Naka-simple lang siya—white shirt, slacks, medyo gusot ang buhok, parang bagong ligo pero hindi natuyo ng buo. Pero hindi siya tumutugtog. Hawak lang niya ‘yung piano keys, dahan-dahang pinipindot ang ilang nota. Isa lang. Dalawa. Tapos titigil. Plink... Tumigil siya sandali, pinikit ang mata niya, tapos sumandal sa bench na parang... pagod na pagod. Walang music. Walang melody. Pero ‘yung presensya niya—parang isa nang buong symphoning ng lungkot. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nandoon lang. Nakatayo sa gilid ng pinto, hawak ang hininga ko, parang bawal makisali sa lungkot niya. Pero hindi ko rin maiwasang mag-isip... Paano kung lumapit ako? Hindi para istorbohin. Hindi para tumabi. Pero para iparamdam sa kanya na... hindi siya mag-isa. Hindi naman siguro masama ‘yon, ‘di ba? So dahan-dahan kong tinulak ang pinto. Saka ako lumakad paunti-unti. Parang may invisible na speaker sa utak ko na nagsasabing, “Hoy Mira, baka sa sobrang dulas mo, mabangga mo pa ‘yang piano!” Pero buti na lang, hindi ako nadulas. Paglapit ko sa kanya, hindi siya lumingon. Alam kong naramdaman niya ako. Pero hindi siya nagsalita. At hindi ko rin alam kung welcome ako o hindi. Kaya huminga ako nang malalim, tapos dahan-dahang nagsalita. “Ang ganda po pala ng piano ni Ma’am Lexi...” Tahimik. Walang tugon. Tinuloy ko. “Naririnig ko po kanina ‘yung plink plink... tapos napaisip po ako, ‘Aba, baka multo ng past ni Sir ‘to.’ Pero kayo pala.” Doon na siya napahinga. ‘Yung tipong may bahid ng konting inis, pero hindi pa galit. Parang, “Bakit ba may Mira na naman dito?” ganern. “Sorry po kung istorbo,” dagdag ko agad. “Promise hindi ako magsisindi ng karaoke. Curiously lang po talaga.” Finally, nagsalita siya. Mahina. “This was Lexi’s piano.” Tumango ako. “Halata po. Ang elegant. Parang siya. ‘Yung tipong kahit walang ginagawa, may presence.” Bigla siyang tumingin sa akin. Hindi galit. Pero sobrang diretso. Sobrang... basag. “She used to play every night.” Tumingin siya sa keys. Pinindot ang isa. “Ako po... ang alam ko lang po tugtugin ay ‘Twinkle Twinkle Little Star’ pero one finger lang,” pilit kong tawa. Hindi siya tumawa. Pero hindi rin niya ako pinalayas. “Hindi ko na kayang tugtugin ‘yung mga kanta niya,” sabi niya. “Kasi kapag ginawa ko, parang... bumabalik lahat.” Tumango lang ako. Tahimik. Tapos umupo ako sa sahig, sa may gilid ng piano, parang bata sa gilid ng entablado habang may nagsasanay ng tugtog. Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siyang maramdaman na may tao. Kahit hindi niya ako tinitingnan. Kahit hindi niya ako kinakausap. Sa totoo lang, hindi ko kailangang marinig ‘yung buong kwento. Kahit wala siyang sinasabi, ramdam ko na mahal na mahal niya si Ma’am Lexi. At hanggang ngayon, dala-dala niya ‘yung sakit. Yung bigat. Yung trauma. Yung pagtanggi na magsimula ulit. At baka... Baka kaya rin siya galit sa’kin minsan... dahil natatakot siyang maulit ang sakit. Kasi andito ako. Kumakapal ang mukha. Pumapasok sa kwarto. Kumakanta kahit sintunado. Sumusubok bumuo ng koneksyon. At baka para sa kanya... Delikado ang koneksyon. Pero kung hindi ko rin siya lalapitan... Kung pare-pareho kaming mananahimik sa kanya-kanyang lungkot... Paano kami makakabangon? Kaya kahit hindi ako invited sa moment niya ngayon... Kahit hindi siya nagsalita ulit... Tahimik akong naupo ro’n. Hanggang sa tumigil na siya sa pag-pindot ng keys. Hanggang sa dahan-dahan siyang tumayo. Wala pa ring salita. Dumaan siya sa harap ko. Hindi niya ako tiningnan. Pero—at eto ang pinaka nakakakilabot sa lahat—bago siya lumabas ng kwarto, tumigil siya saglit sa may pinto. At sa pinakamahinang boses, halos hindi ko marinig— “Good night, Mira.” Boom. Fireworks ulit. May tumugtog sa loob ng puso ko. “Good night po, Sir,” bulong ko pabalik, mahina. “Sweet dreams.” OHMYGULAYLATEAKO!!! ‘Yan ang una kong nasigaw—sa loob ng utak ko—pagdilat ng mata ko nang makita kong alas-otso na ng umaga. “OHMYGULAY!” nasabi ko na rin aloud, tumalon ako mula sa kama na parang nanaginip akong hinahabol ng lechon na may kasamang deadline. Hindi ako nagising sa alarm ko kasi, well... hindi ko pala na-charge ‘yung phone ko. Tapos parang inatake rin ako ng pagka-overwhelmed sa eksena kagabi sa piano room. Seryoso, halos hindi ako makatulog kakaisip sa “Good night, Mira” na ‘yon. But back to reality— NA-LATE AKO. At hindi ako basta late. Late in a mansion with a billionaire bossing na pag may isang maling galaw ay baka palayasin ako faster than I can saying “Sorry po.” Dali-dali akong nagluto ng almusal—scrambled eggs na hindi scrambled, toasted bread na medyo over-toasted, at syempre, ‘yung ultimate Mira special: sinangag na may konting natalsikan ng mantika kasi wala na akong oras. Habang nagsasaing ako ng bagong kanin, inabot ko na rin ang kape. “Sige, Mira. Kape muna for Sir. Baka andiyan na siya,” bulong ko sa sarili habang inihahanda ang tasa. Kumuha ako ng kutsarita ng “sugar.” Dinagdagan ng gatas. Tapos tinimpla ko na agad—without double-checking the label kasi, well, akala ko sugar talaga ‘yon. Hinanda ko na rin ‘yung tray para maayos na ang presentation. Pero bago pa man ako makalapit sa dining area, biglang bumukas ang pintuan. Pak! Pak! Pak! Matutulis na tunog ng heels sa marmol. Parang countdown ng doom. Paglingon ko— AYAN NA. Pumasok si Don Quixotte sa mansyon, kasunod ang isang babae na mukhang... well, parang sinindihan ng aura ng pagiging high blood on demanding. May hawak siyang black leather folder, shades sa ulo kahit indoors, at kulay beige ang blazer niya na mukhang mas mahal pa sa buwanang sahod ko. Si Casie. Ang malditang sekretarya sa Q Newspapers & Magazines Co. “Kailangan ba talagang sumugod dito?” tanong niya kay Don, sabay irap. “Official business,” malamig na sagot ni Sir. Napakapit ako sa tray ko habang papalapit sila. Tapos nagtagpo ang mata namin ni Casie. At parang may narinig akong “tigh!” sa utak ko. “Oh, ikaw siguro si Mira,” sabi niya, taas kilay. “Ikaw ‘yung sinasabi ni Sir na... *‘she’s doing her best’ daw?” Sabay fake chuckle. “Ah... opo, Ma’am,” ngumiti akong awkward habang pinipigilang matusok siya ng invisible pitchfork ng utak ko. “Well then,” sabay upo niya sa couch sa receiving area, “If you’re doing your best, puwede bang pakitaan mo kami ng coffee na hindi mapait? Black. Isang teaspoon sugar. Wag mo kaming papatayin sa kapaitan, ha?” “Yes po,” sabi ko habang pilit pa rin ang ngiti. “Kape coming righting up po!” Bumalik ako agad sa kusina, bitbit ‘yung tasa na handa ko na kanina. Nilagay ko sa tray. Pagkabigay ko sa kanya ay biglang siyang… “AAACK!!! WHAT IS THIS?!” Yun na. Yun na talaga. Dumiretso ang sigaw sa utak ko, sa puso ko, at sa likod ng tuhod ko. Napatigil ako sa hallway. Tapos kitang-kita ko si Casie na nakatayo, hawak ang tasa ng kape, at literal na... nanginginig sa galit. “Did you just put… dishwashing powder sa kape ko?!” “W-what?! Po?!” halos mahulog ‘yung tray sa kamay ko. Tinakbo ko ang lamesa. Kinuha ko agad ang jar ng “sugar” na ginamit ko kanina. Binasa ko. “Lemon Dish Powder – for mugs and plates only.” OH. MY. GULAY. Hindi ako makapagsalita. Literal na nalaglag ang panga ko sa sahig at pinulot na lang ng hiya. “Do you even know what you’re doing here?!” galit na sigaw ni Casie. “Is this some sick prank?!” “N-napagpalit ko lang po… kasi... kasi pareho po silang white…” mahinang palusot ko, na obvious namang walang saysay sa galit niya. “Are you trying to poison me?!” “Hindi po! Hindi ko po sinasadya!” “Casie,” singit ni Don Quixotte, calm pero may authority. “She didn’t mean it.” “Don, I could’ve DIED!” Miko, na naglalakad galing sa taas, tumigil sa hagdan. Tahimik lang siya, pero halatang nagulat sa sigawan. Bigla akong nalungkot. Hindi dahil napahiya ako. Hindi dahil baka tanggal na naman ako. Kundi dahil... Sa isang sablay na naman… napasigaw ang buong bahay. At nakita ni Miko. Napayuko ako. “Sorry po, Ma’am Casie. Hindi ko po ‘yon sinasadya. Minsan lang po talaga akong... lutang.” Casie rolled her eyes. “Well, your ‘lutang’ almost killed me.” Pero bago pa siya makadagdag ng lason sa hangin, lumapit si Don Quixotte kay Miko, hinawakan ito sa balikat, at sinabing: “Mira, go fix it. Casie, sit down. We’re not here to start another war.” Tahimik. Walang nagsalita. At ako? Tumalikod agad, hawak ang tray, at sumugod pabalik sa kusina— habang sinisigaw ng utak ko: “Miraaaa! Next time, amuyin mo muna ang sugar!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD