Tahimik ang buong mansyon nung gabing 'yon. Tipong parang kaluluwa lang ng hangin ang naririnig habang pumapalo sa mga kurtina sa hallway. Wala si Don, may late meeting raw. Si Cassie naman, thank God, umuwi na rin kanina pagkatapos na naman akong pagbuhatan ng boses na parang siya ang tunay na may-ari ng buong mundo. Pero ako? Ako'y may misyon. At kahit medyo nanginginig ako sa kaba, wala nang atrasan. "Sorry Miko," bulong ko habang dahan-dahang bumubukas ng pinto sa kwarto niya. Madilim sa loob, pero maliwanag ang buwan sa labas kaya may kaunting ilaw na pumapasok sa bintana. Mahimbing ang tulog ni Miko sa kama niya, yakap-yakap ang kanyang stuffed dinosaur. Ang inosente ng mukha niya habang natutulog, parang hindi bagay sa bigat ng takot na lagi niyang dinadala. Hindi ko rin alam kun

