Naglakad na ako paalis nang pigilan niya ‘ko. Hawak niya ang braso ko, hindi mariin, pero sapat para mapatigil ako sa hakbang. “Wait,” mahina niyang sabi, halos pa-whisper, pero mabigat sa dibdib. Lumingon ako. Medyo nakaawang pa ‘yung labi ko, bitin sa paghinga. Nasa hallway pa rin kami, dim ang ilaw. Tahimik. Ramdam ko ‘yung tension sa paligid, para bang pinipigilan ng gabi ang lahat ng ingay, pero hindi ang kaba ko. “Ano ba talaga ang ginagawa mo ro’n sa kwarto ni Miko?” tanong niya ulit, this time mas firm. Umiling ako. “Sabi ko nga, binisita ko lang siya. Na-miss ko lang.” Naningkit ang mata niya, parang hindi kumbinsido. Pero hindi na rin siya nagsalita pa. Tumango lang siya ng marahan, saka bumuntong-hininga. “Gusto mo ng kape?” Napakurap ako. “H-ha?” “Kape. Para makapag-usap

