Kinabukasan, maaga akong nagising kahit halos wala akong tulog kagabi. Siguro dahil sa sinabi ni Boss Don—You can stay. Whenever you want. Paulit-ulit yun sa isip ko kagabi na parang kanta sa radyo. At ayun nga, eto ako ngayon, nakaupo sa mahabang dining table ng mansyon, kaharap si Boss Don at si Miko na tahimik na kumakain ng pancakes. Ako? Medyo hindi mapakali. “Um… B-boss, gusto niyo po ba ng dagdag na syrup?” tanong ko, pilit na nakangiti. Tumingin siya sa akin, seryoso pa rin yung mukha. “I’m fine.” “Okay po… Boss.” Tahimik ulit. Ang awkward! Para kaming nasa exam na walang nakakaalam ng sagot. Pero kanina, nung iniabot ko yung kutsara kay Miko, napansin kong nakatingin sa akin si Boss Don. As in nakatingin talaga—parang tinitimbang kung tama bang nandito pa ako. At syempre,

