Hindi ko alam kung anong mas nakakakaba—ang paghawak ni Mirl sa buhok ko gamit ang curling iron, o ‘yung kaba na baka biglang bumukas ang pinto at makita ni Don na naka-gown ako na parang reyna. “Relax, Mira,” bulong ni Mirl habang ini-sprayhan ng kung anong amoy-rich na hairspray ang buhok ko. “Trust me, magugulat si Don mamaya. Element of surprise, remember?” Napapikit ako at huminga nang malalim. “Pero… baka mauna siyang umuwi. Paano kung—” “Hindi. Alam kong may meeting siya. Kaya nga natin ito ginagawa ngayon,” sabat ni Mirl sabay tingin sa wall clock. “May dalawang oras pa tayo. Tsaka… hello? This is your first big appearance sa Q Newspapers and Magazines Co., dapat prepared ka.” Sinubukan kong ngumiti, pero parang natuyo ang lalamunan ko. Hindi ako sanay sa ganitong glam treatmen

