bc

CAMPUS MEMORIES 1 : FRIENDS LANG TAYO

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
small town
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

"The best relationship start off as frienship first." ~unknown~Nic & Redd

chap-preview
Free preview
INTRO . The encounter
--- Kanina pa ko nakatayo at masama ang tingin sa bulletin board sa labas ng registrar office. Nasa ganun akong ayos nang ilang sandali at pilit kinakalma ang sarili sa labis na pagkainis ,kuyom na kuyom ang kamao. "Nic!" rinig kong sigaw sa akin nang pamilyar na tinig . Ni hindi ako lumingon at inaantay na lamang makalapit ito . "Teka bakit ganyan ka makatingin jan ?" Takang taka na tanong nito ,kaya naman sa kanya ko bumaling ngayon at bahagya pang nanlaki ang mata nito ng makita g masama rin ang tingin ko sa kanya. "Oh teka ,bakit pati sakin ganyan ka makatingin ? Ngayon na nga lang tayo nagkita" "Alam mo ba kung anong section ako ?" Di maitago ang fustration na tanong ko. "Uhm ,oo naman kami nagpalista sayo eh magkaka section tayo nina Reign " sagot nito.Lalong sumama ang muka ko at napansin nito yun. "Bakit ba ? Parang di ka masaya ah.Last year na natin sa high school parang ayaw mo pa kaming makasama" nakangusong wika nito. "Yun na nga Mika ee, bakit ako lang ang napahiwalay nang section dito ?"Naiinis na sabi ko. "Huh ,eh tabi nga." wika nito at binuklat ang mga nakadikit na pangalan doon . Naka comfile kasi sa bulletin lahat ng pangalan by year at section in alphabetical order kaya doon makikita kung nasaang section ka. Sila Mika ang hinayaan kong magpalista for enrollment dahil may pinagkaabalahan ako nang bakasyon.Tiwala naman ako sa kanila lalo at si Reign pa ang kasama. "Hala oo nga ,bakit ganyan ? Sure ako na sa iisang section tayo eh ako pa mismo nagpasa nung card mo kapatong nun akin " wika nito. Nakakainis . "Tara sa loob tanong natin baka pwede pa mabago yan."wika nito at hila hila ako. "Naku Nic malabo naipasa na yan sa mga adviser at mahirap na mahabol sa lunes na start nang klase " paliwanag sa min ni Jaypee .Sya yung kasama nag aassist sa enrollment. "So dun na talaga siya Jaypee hindi na ba talaga mababago ? "pag kumpirma ni Mika. Parang inulit lang yun sinabi ,isa pang engot.Masama ang loob na nilisan namin ang registrar,panay ang kwento sakin ni Mika pero parang lutang ako na nakikinig ,di pa rin makamove on. "Okay lang yan Nic, tuwing breaktime at uwian pwede pa din naman tayo magsama sama " pampalubag loob niya sakin. "Kahit na , kita mo ba kung sino sino mga kaklase ko sa section na napuntahan ko ngayon?" "Ha ? Hindi eh.Teka silipin ko " wika nito at akmang babalik pa ,ngunit hinila kona. Brigada Eskwela namin ngayon ,at nataon na ngayon lang din ako nagpakita ,ni wala man lang naniguro na mapapahiwalay ako. "Nasa field sa likod sila Clark , tara dun." Yakag ni Mica at siya naman ngayon ang humihila sakin. "Anong ginagawa nila dun? Tapos naba sila mag brigada ? " " Duh ,oo naman.Kanina pa kaya kami dito.Don't cha worry ,inattendance kana din naman,hehe" pilya nitong wika. "Madaya " natatawang sagot ko "Luh ,choosy yarn.Di ka naman talaga mag bi brigada no." Pagdating doon ay si Clark nalang ang inabutan namin. "Asan si Reign ?" Tanong ko dito , pahiga higa sa damuhan ang loko loko . " Tignan mo sa bulsa ko , baka nagkakape " pilosopong sagot nito. Inakma kong itaas ang paa ,at inambahan na aapakan ang tiyan niya kaya madali itong nakagulong palayo samin. Tawang tawa si Mica ,habang si Clarkson ay napaupo na't masama ang tingin sa akin. "Tu talagang babaitang to.Naku ka talaga ,Niknak" wika nito at may pag demo pa nang kamay na animo nag pipiga nang labahin.Siraulo talaga. "Tinatanong ka kasi nang maayos ,ayaw mo sasagot nang maayos eh no" "SA diko alam eh , malay ko kung saan sumuot ang kambal nang tadhana" "Edi sana yun ang sinabi mo " naka ismid na wika mo "Tapos na kasi ang brigada baka umuwi na yun ,saka ikaw kapitbahay nun ah bakit di kayo magkasabay ? " "Wala kana dun." Maiksing sagot ko. Dahil wala naman nang gagawin ay napagpasyahan naming umuwi na din.Tiyak magtataka si nanay kung bakit ang bilis ko. "So paano kita kits na lang sa monday ah."nakangiting paalam sakin ni Mika. Pilit ang ngiti na tumango na lang din ako sa kanya. Inantay ko pa siyang makasakay pauwi sa kanila habang ako ay lutang habang tinatahak ang kasalungat na daan pauwi naman sa amin.Parang wala sa sarili na naglalakad ako ,saktong liko ay may bike akong masasalubong ,di ako nakakilos agad upang umiwas,nanlaki ang mata nang sakay nito tska dali daling kinabig pakanan dahilan para sumemplang ito sa side walk. "Aww s**t" narinig kong utas nito. Dagli ang paglapit ko para i check,dahil kung di siya umiwas malamang ako naman ang napuruhan nang mountain bike na sinasakyan niya. "Hala sori okay ka lang" wika ko rito .Nakayuko ito kaya di ko kita ang mukha pero alam kung lalaki. Bigla ang pag angat nito nang tingin sakin sa masamang paraan, agad ko namang nakilala ang mukha nito. "Suicidal ka ba o bopols lang talaga ? Bakit sa daanan nang sasakyan ka naglalakad may sidewalk naman"dire diretsong singhal nito sakin. Bopols ? kunot noong ulit ko nun tinawag niya sakin. "Bakit di ka bumusina ,alam mong paliko ,eh pano kung kapwa sasakyan ang nasalubong mo ? " wika ko sa kanya.Lalong lumalim ang gitla niya sa noo bago nagsalita. "Sa kabilang lane ang sa paparoon at dito naman sa kabila ang paparito kaya kahit magsalubong di magkakabanggaan.Mga mangmang na tulad mo talaga walang alam " "Aba't gago ka " bulyaw ko sa kanya. Siraulong lalaki kung makapang insulto ,alam ko yun sadyang lutang lang ako at walang maisip na idahilan kung bakit di ako sa side walk naglalakad malay ko bang masasalubong ko siya. "Hey,watch your mouth.Kababaeng tao ,ikaw na may kasalanan ikaw pa galit pa victim ka din " "Hoy kupal ,alam ko may kasalanan ako pero di tamang tawagin mo ko nang kung ano ano." bulyaw ko sa kanya. "What the!? Eh anong tawag mo jan sa lumalabas sa bibig mo ngayon ?"di papatalong bulyaw niya rin sakin. "Binabalik ko lang sayo ang mga sinabi mo sakin, kalalaking tao nangbubulyaw nang babae, tutulungan pa naman sana kita kaso ang sama nang ugali mo.Jan ka na nga" wika ko rito at tumalikod na para mag diretso pauwi. Narinig ko pa ang pag sisigaw niya pero di ko na pinansin ,bahala siya sa buhay niyang gago siya. Pagdating sa bahay ang naabutan ko ang inay na nag iinit nang tubig.Alas kwatro na pala nang hapon ,maya maya ay anjan na ang tatay galing trabaho magkakape panigurado. "Oh ,anak kumusta ang brigada ? " tanong sakin nang inay nang mapansin ako. Nakangiti akong lumapit at nagmano bago magkwento ,di kasali yung nakabangga ko kanina sa daan.Di naman siya mahalaga ,bakit ba. "Sa lunes na ang pasukan ,fourth year highschool kana konting panahon na lang graduate kana.Dalaga na ang anak ko ,parang kailan lang." nakangiting wika niya sa akin. Sa kabila nang visible na saya , parang may ibang pahiwatig ang mga ngiti at sinabi niyang iyon. "Sauce ka drama naman ni manang eh" tudyo ko . Kinagabihan pagkatapos kumain habang nagku kwentuhan ,ay inayos ko at plinantsa ang mga uniform ko para sa lunes.Kahit nanlulumo pa din at di ko kasama sa iisang section ang mga kaibigan ,inisip ko na lamang na magkakasama pa rin kami sa breaktime at uwian. Sana lang talaga ay maging matiwasay ang boung taon ko ngayong huling taon na din naman sa highschool.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Lone Alpha

read
125.6K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
10.6K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
614.2K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
820.3K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.9K
bc

Bad Boy Biker

read
8.7K
bc

The CEO'S Plaything

read
19.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook