02

2251 Words
Inantay ko pa ng saglit ang pagkain habang siya nasa tabi ko lang din at tahimik na nag-aantay. I cleared my throat causing him to look at me. Napatingla ako sa kanya dahil mas matangkad talaga ito sa'kin kasabay nito ang pag-iwas ko nang tingin. "Antagal. Naiinip na ako" bulong ko sa sarili ko habang tinitignan ang TV na nakapaskil sa taas kung saan nasa pangatlo pa ang number namin. Nililingon ko siya ng saglit para tignan kung ito ba ay sasagot pero napawi lang din ito ng hindi ito sumagot at nakatuon lang ang pansin sa TV. "Sydney?" Napatingin ako sa sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Maui sa likod. Isa sa tropa ni Tony. "Oy bro!!!!" Wika ko dito habang nilapitan pa para maki-high 5. "Jowa mo?" Bulong nito sa akin habang tinitignan tignan pa si Ali na na nakatalikod na nag-aantay. My eyes widened "Hah?" "Hatdog" panunukso pa nito I rolled my eyes, "tanga di kasi. Tropa lang yan ng kapatid ni Citi" pag-eexplain ko ba dito. "Anyways, ano ginagawa mo dito?" Tanong ko dito kapagkuwan "Mag didilig ng halaman" he scoffed, "alangan para kumain, natatanga lang? Porket pogi kasama" he mumbled the last part Binatukan ko ito, "iww, masungit" bulong ko dito. "Anyways, libre mo ko. Sundae lang, wala kasing sundae na inorder kapatid ni Citi, e" wika ko dito habang nagpapacute pa "Hay, ewan ko. Sige na, hayop 'to" wika nito habang pinasabay na nito sa kasama niya ang oorderin niya para sa akin "Sabi ko na di mo ko matitiis, e" wika ko dito "Oo kahit busted pa ako" paparinig niya Sasagot na sana ito ng marinig kong tawagin ang number namin. "Wait lang" wika ko dito at tinabihan na si Ali sa counter na kumukuha na ng tray "Ano? Let's go?" Wika ko habang binuhat ang isang tray sa counter Hindi ako inimikan nito at binuhat na lang ang isang tray. "Ako na mauna, wait mo na lang uli ako bumaba para di mapagiwanan yung ibang pagkain" bilin nito bago pa ito umalis Ilang saglit pa ay bumalik na ito, at kinuha na ang natitira pang isang tray. Aakyat na sana ako ng marinig ko ang tawag ni Maui. "Oh, sundae mo" he said handing me the food. "Wait, ako na para di ka mahirapan. Enjoy your food at pataba ka" wika pa nito at inirapan ko na lang ito Sinundan ko si Ali sa taas at nakita ko ito nakaupo na sa lamesa. "Hoy, gaga. San ka galing? Sabi ni Ali kasama mo daw jowa mo. May jowa ka pala? Ikaw ahh naglilihim. Ouch naman sa heart, lihiman pala 'to" Wika ni Ivy habang hinahawak hawakan pa ang puso nito "Tanga, si Maui kausap ko" wika ko dito at umupo na "Kayo non? Akala ko ba busted?" Gulat na sabi ni Ava "No and yes. Binusted ko siya so hindi kami and binigyan niya lang ako sundae" I said at them habang kinukuha ko ang sundae na bigay ni Maui "Edi sana all" parinig pa nito at kumuha na ng pagkain nito "Tsk. Tsk. Fake news nga naman" Pag paparinig ko pa sa tabi ko at sinimulan ko ng kumain. Nang mag-sabado. Umalis kami ng pinsan ko kaninang umaga dahil sinamahan ko ito sa kailangan niya at nagkayayaan kaming pumunta sa Aura ng hapon kami-kami mag-trotropa kaya alas dos pa lang ay umalis na muli ako ng bahay. Gumala muna kami nila Ava and Ivy sa market bago kami pumunta sa Aura para magsimba. "Good Afternoon, welcome to The Feast SM Aura" I greeted them with smile, handling them the magazine of our church. I am part of our ministry in our church. I was fond of it. Our church is a Catholic church but it was different since it has a traditional talks and worships like Christians. Kakaibahan nga lang it has a Holy Mass. My friends was actually fond of this when I invited them here. Gusto nila ang Youth gathering because a side of puro teens ang kasama may LG din ito na which mag gagather ang mga teens and talk casuals on their life at may pa fun activities which is for teens din and lastly may pa heart to heart talks and sharing. "Syd, why don't you invite them here serving?" I looked at one of our head min. I smiled at her, "i'll ask them about it po" I said 4:40pm ng lumabas sa convention room ang dalawa para sabihin na nadito na si Citi with his brother which is really unexpected because she never tell na isasama niya pala kuya niya. "Sige una na kayo. Papaalam lang ako" wika ko sa kanila at nag-paalam na sa head namin Pumunta muna ako C.R. para maghugas ng kamay bago sumunod sa kanila. I am actually wearing a red shirt paired with brown jeans and white sneakers. It was my routine every week to serve. I was informed when I joined the ministry that we need to wear our designated assigned colored shirts in our ministry every week. Lumabas na ako ng C.R. At bumaba sa floor na ito para sundan sila Ava sa b****a ng SMX Convention Center. Pagkababa ko, saktong sakto naman at bumungad na kaagad sila sa labas ng pintuan ng biglang may natanaw akong di ko inaasahan na tao. I was beyond shocked seeing him here with them. I just didn't expect na isang tulad niyang antipatiko pupunta dito at magsisimba. "Andiyan na pala si Sydney, shall we?" Ava said at umakyat na kami taas. "I didn't knew na you will brought your kuya as well as him. Buti napapayag niyo knowing the fact that he is always busy with his studies" bulong ko kay Citi habang nasa escalator kami. I heard from Citi na subsob daw sa aral 'tong si Ali nung nakaraang araw. He never look into women and just focused into his studies. She also told me na seryoso ito when it comes to things. "I didn't knew either. Biglaan na lang na sumama si kuya dahil may pinuntahan siya kanina and gulat na lang ako nanh nakita ko si Kuya Ali dito sa Mall" tigon pa nito "At least text us or inform us maman, hindi yung mabibigla ka na may kasama kang asungot" wika ko sa kanya "Asos, if I know crush mo si Kuya Ali kaya ganyan yung asta mo. Aba siraulo ka! Ang sabihin mo tinext sana kita para magpaganda ka man lang pag nakita mo siya" she said bickering. "Ulol. Napakasungit tas magiging crush ko. Whatever!" I said mocking her Nang makapasok kami sa convention room sakto naman at pasimula na din ang mass kaya niupo muna ako sa tabi nila habang hindi pa ako tinatawag. Sa kinamalas-malasan nga naman pinatabi pa ako sa tabi ni Ali. "So... didn't know that you were serving" I looked at him frowning. Ako? Ako ba kausap nito? I smiled at him, "didn't expect you either na like you pupunta sa ganto" I said mumbling looking at the altar "Cuz your too naive and sassy. Kaya di ko i-expect na isang tulad mo will be serving" he said making me look at him "Oh no! Kung inaakala mo na ang sassy ko because of my attitude, oh dear, better expect other things cuz I'm more than what you expect" I said back firing "That's crap" he whispered but then I was closely enough to hear it "Your mind is crap" I said rolling my eyes. Oh Lord, forgive me for cursing in front of this altar! I said deeply in my thoughts. Nag-sign of the cross na ako and nakinig na sa Mass not minding him beside me. Nang malapit na ang offering, tumayo na ako sa kinauupuan ko at pumunta sa likod para kunin ang mga baskets para mag-offer. I joined an Asher ministry which is called Warmth. It is our obligation to offer and greet people, showing our smiles and showing them how they are welcome joining our feast. I also fond of joining worship ministry in which I will be confidently singing in the stage. Ayun nga lang, lack of schedule ako kasi may mga practice pa sa Makati kaya sa warmth na lang muna ako. Natapos ang offering at hindi na muna ako bumalik sa upuan na kinauukulan nila at tumayo na lang sa likod. "Pst, boyfriend mo katabi mo kanina?" I heart ate Shantel whispered beside me. Isa sa kasamahan kong ministry na kaclose ko din dahilpart siya ng youth. "No!" I denied it with no hesitation. "Wala sa balak, ate. And besides study muna" I said at her "Utut. Daming deny, ganyan din kami ni Lisbon nuon." She said smiling "Di nga ate. Promise and ang sungit kaya non. Tapos judger pa" I said "Hayaan mo, mapapalambot mo din yan" wika nito dahilan para umirap ko ang mata ko "Nah. Ayaw ko nga di ko siya type. Iw" I said "Haller, kung kaedad ko lang yan papatulan ko din yan, super pogi oh! Jusko ka , Syd" she said while we both kneel down "Yuck!" I said disgustingly With that tinuon na muli namin ang atensyon namin sa altar. Natapos ang Holy mass and we just informed that there is no youth gathering for now kaya we decided na makinig na lang muna ng talks. Wala pang 8pm natapos na ang talk even worship kaya napagdesisyonan na din namin na bumaba na para kumain. Nagpaalam na din ako sa Mother ko na mauna na siya with her friends dahil mamaya pa ako. Even my mother nandito di lang kami nagsabay kanina dahil kasama niya mga kaibigan niya. After some quite time, napagpasyahan namin kunain sa KFC at dun na lang maghapunan. Nasa baba pa lang kami ng SMX convention center ng magpaalam ang tatlo na iihi daw muna sila while Fin is having a phone call. Nag-aantay kaming dalawa ni Ali sa iba ng buksan ko ang phone ko at mag-i********: muna. Nakita ko na lang ang story ni Fin. It was 3hrs ago. It was a video of him walking but then he intentionally face the camera to Ali. "So this man over here is now fond of someone...." I heard Fin's giggle in the camera "Gago" But then I heard Ali cursing at him Nakita kong naka-tag dito si Ali kaya binisita ko na din ang account nito. alisantillian- 1 post, 2,097 followers, 126 following Edi siya na sikat. I saw his post. I assume that it was his own pet, a dog. 1 post with multiple followers samantalang ako 700+ lang with a multiple post. How to be you po? Chos. Ayaw ko nga, baka mawalan ng kulay ang mundo pag naging katulad ko siy. "Enjoying stalking me while you can't see anything but only just my dog" I looked at him shocked and hide my phone in pocket. "No! I saw you with a handsome guy yesterday and I was thinking maybe your following him in i********: kaya hinahanap ko" pagdadahilan ko pa dito I saw him darkened his eyes and just stayed quietly didn't even bother to fight back. But then I felt relief na pinaniwalaan niya ang dahilan ko. After ilang minuto at dumating na din ang tatlo pati na din si Fin. "Bat antagal niyo ba? Nilamon ba kayo ng inidoro at inabot kayo ng ilang minuto para sa C.R.?" Tanong ko kaagad sa kanila habang naglalakad kami pababa "Ahmm.... we were... taking pictures, yeah taking puctures" wika ni Citi "Oo, kasi itong si Ivy, paganda ng paganda muntanga naman" Tugon din ni Ava "Hayop ka po!" Inis na sabi ni Ivy dahilan para matawa kami Monday na ng umaga at nasa school cafeteria ako dahil break namin. Kitang-kita ko si Madi kasama ang jowa nito. Pisti talaga at di mapaghiwalay. "Sis, si Ali oh!" Nagulantang na lang ako ng marinig kong sumigaw si Ava sa gilid ko turo-turo and di kalayuang lalaki na nakaupo sa gilid habang nagbabas ang libro. "Oh, anong gagawin ko?" walang paki-alam kong tanong. "Syempre lalapitan natin, ano pa ba?" Ivy smirked as she raised her brow. "Eh, kayo na lang. Ayaw ko makita pagmumuka niyan, maalibadbaran lang ako." Pero huli na ang lahat, nahila na ako nila Ava papunta sa kanilang gawi. His brows were curled up when he saw us infront of him. "Ali, Ay wait pwede ba namin itawag sayo Ali? Wala kaming respeto kaya hayaan mo na. By the way makikiupo ahh, walang maupuan, e," panimula ni Ava dito at umupo na kaagad sa tapat nito. "Gago ka talaga! Walang hiya" bulong ko dito. Uupo na sana ako sa tabi nila ng puno na ang upuan, tanging natitira na lang ang katabi ni Ali na upuan dahil si Finn ay nakaupo na sa tapat ni Citi habang si Ava at Ivy ay magkatabi naman na nakaupo sa tabi ni Citi. Wala sa sarili na umirap sa hangin at umupo na lang habang sila pinapanood kumain. "Siya nga pala, wala ka talagang gana kumain, e 'no? Sige ka tipid ng tipid hindi mo na namamalayan may sakit ka na talagang kupal ka!" Panimula ni Ivy. "E, ganoon talaga pag nagiipon para sa future daw nila ni Kuya Aumannuel niya," Citi said while mocking me. I rolled my eyes, "Ulol! Tagal ko ng di crash yun! Tsaka ano ba! Sabi ko nga diba study first, kailangan kong bumawi sa grades ko 'no," inis kong singhal rito. "Tanga huwag na! Ungos na ungos ka na, babawi ka pa? Hayop ka din, e 'no?" Wika ni Ava. "Ay weh? Nasa top ka pala Syd?" Singit ni Finn. "Kala ko nasa top lang na alam mo is yung mga crush mo na abot isang daan," Pang-iintriga ni Finn. "Gago! Di ahh!" Asik ko dito. "Can you stop cursing? I'm trying to study here and if you don't want to stop just leave this f*****g table and find another seat!" Napauntad ako sa tabi ko ng marinig kong magsalita si Ali. Wala sa sarili na binatuhan ko ng kinakain na nips si Ava "tanginamo, tignan mo parang ako tuloy may kasalanan," I whispered at her. I red her mouth saying, "Ingay mo kasi, tol" pang-aasar pa nito habang tumatawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD