"Hindi pa katapusan ng mundo bakit ka nag mumukmok dito, wala ka na bang balak mag tapos ng pag-aaral mo? Konti na lang graduating ka na." ani Ivan habang naka upo sa sahig sa gilid ng kama ni Raine. Dinalahan n'ya ito ng pagkain ang paborito nitong donut pero tinititigan lang iyon ni Rain. Noon para itong patay gutom kapag nakita agad ang donut, ang laki na din ng ibinagsak ng katawan nito at nawala bigla ang glow ng kaibigan. "Hindi mawala sa isip ko yung nangyari sa akin Picalo, paano kung hindi dumating si Yuan. Anong mangyayari sa akin? Tapos na kulong pa s'ya kawawa naman si Yuan." "Hindi na bago kay Yuan ang makulong." napabuga ng hangin si Ivan na ikinalingon ni Raine. "Hindi ko alam kung aware ka ba o wala ka lang paki-alam. Dati na s'yang nakulong dahil sa pag kamatay ng Papa

