"Ilabas mo si Yuan, wag mo s'yang hayaan na makulong Dwight." utos ni Railey sa kaibigan habang panay pa rin ang iyak kahit sinabi na ng doctor na okay naman daw ang anak n'ya at wala daw naman nangyaring r*ped. Meron lang itong multiple bruises na natamo. Hindi n'ya alam kung paano n'ya sasabihin sa asawa n'ya. Tiyak na mag wawala ito sa galit lalo na ang buong angkan ng Montenegro. "Ako na ang bahala kay Yuan, tama na ang pag-iyak buds." tapik ni Dwight sa kaibigan na tumango. Mula ng dalahin niya sa hospital ang anak hindi pa ito nag kakamalay kaya hindi n'ya mapigilan ang mapaiyak at makaramdam ng ibayong galit. Gusto n'yang balikan ang tatlo lalaki na dinala sa ibang hospital pero according kay Dennis critical daw ang isang lalaki na labis na binugbog ni Yuan kaya ngayon na haharap

