Inis na pinagulong na lang ni Raine ang dalawang maleta n'ya pababa ng hagdan sa inis n'ya dahil na hihirapan s'yang ibaba ang mga maleta na inakyat pa ni Yuan. Aalis na s'ya sa bahay ni Yuan tutal naman wala na dun ang binata at walang katiyakan kung kelan ang balik nito sa Pilipinas. Na hihiya naman s'yang mag-utos sa mga katulong na naroon dahil hindi naman s'ya ang nag papasuweldo sa mga ito. "Ooopppss! Sorry, sorry." biglang usal ni Raine ng bigla isang katulong ang sumulpot na nagulat sa bag n'ya na bumagsak sa harapan nito. "Naku ma'am, bakit po ibinaba n'yo ang mga maleta n'yo?" na alarma na wika ng katulong. "Kailangan ko na kasing bumalik sa condo ko, ang totoo hindi alam ng parents ko na nakikitira ako sa bahay ng isang lalaki. You know my parents is so strict sa amin... mal

