"Asan si Raine?" tanong ni Yuan ng matapos ang match n'ya at hindi na n'ya makita ang dalaga sa crowd. 'Hindi ko alam, wala na din si Paige. Mukhang hindi na nila tinapos ang laban. "Alamin mo kung saan sila naka check-in bilis." "Ano ba Yuan? Are you into her now?" tanong ni Zarina habang pabalik na sila ng dug out. "Wala akong dapat i-explain sa'yo Zarina. Ano na contact mo na ba jowa mo?" tanong ni Yuan sa kaibigan. "Hindi pa, ayaw sumagot." "Kasalanan mo ito, alam mong hindi puwedeng ma expose ang tungkol dito pero talagang sinabi mo pa sa jowa mo na bestfriend ni Raine, nag-iisip ka ba?"galit na wika ni Yuan na nag sisimula ng kumirot ang mukha na alam n'yang na lamog ng husto kanina dahil hindi s'ya makapag concentrate dahil iniisip n'ya si Raine at hindi n'ya ito makita. Kaya

