"Sure ka ba na hindi kita ihahatid sa hotel mo? baka mahirapan kang dalahin ito." tukoy ni Caleb sa maleta n'ya. "May gulong to Caleb hindi ko kailangang buhatin." turan ni Raine na tuloy ang kain na hindi man lang inaalok ang kaibigan ng asawa. "Ang suplada naman." "Nga pala paki sabi sa magaling kong asawa nakita ko yung kapatid n'yang isa sa hotel, and he said bilang na raw ang na lalabing araw ni Yuan. Sabihin mo sa kanya subukan lang n'ya mamatay at ako pa ang papatay sa kanya." natawa naman si Caleb. "Okay makakarating," nakangiting wika ni Caleb na nag paalam ng umalis na ikinakunot ng noo n'ya na napasunod ng tingin sa nobyo ng BFF n'ya. After na kumain nag pasya na s'yang bumalik sa hotel naka pamili naman na rin s'ya na damit na susuotin n'yang pamalit. Umasim ang mukha ni

