Inabot ni Raine ang isang papel na nakatiklop sa ilalim ng cellphone n'ya. Galing kay Piage na nag papalam na umuna na itong pabalik ng Pilipinas, sumunod na lang daw s'ya. Hindi na daw s'ya nito ginising dahil mapuyat na daw s'ya kakaiyak, mag gala daw muna s'ya sa korea baka daw makakatisod s'ya ng guwapong oppa. Wag daw muna s'yang umuwi ng Pilipinas kung malungkot s'ya dahil baka daw pumangit ang mga event na hawak nila. Napabuga naman ng hangin si Raine na muling nahiga sa kama na niyakap ang unan. Kagabi nag ngangawa pa rin s'ya ng iyak hindi dahil na sasaktan pa rin s'ya kundi dahil na paparanoid s'ya sa kakaisip kung anong ginagawa ni Yuan at Zarina na naiwan sa cottage. Dapat pala nag inarte na lang s'ya pero hindi umalis, sana katabi pa rin n'yang natulog si Yuan kahit mag kaawa

