"Ano nanaman yan Raine." inis na tanong ni Yuan ng mapasukan ang asawa na inaayos ang gamit sa dala niyang overnight bag. "Leave me alone." malamig na wika ni Raine, inis naman lumapit si Yuan na inilabas muli ang mga gamit sa loob ng bag na inilalagay n'ya pero muli lang na ibinabalik ni Raine. "Ano ba!" malakas na malakas na sigaw ni Raine na halos malagot na ang litid sa leeg n'ya. "Ano bang gusto mo!" sigaw pa ni Raine ng umagos na luha sa pisngi na mabilis na pinahid din ng dalaga ang sabi n'ya kanina ng pag-uwi na s'ya pabalik ng cottage hindi s'ya iiyak. Hindi n'ya bibigyan ng kasiyahan si Zarina pero napupuno ng galit at selos ang dibdib n'ya na hindi n'ya mapigilan. "Jesus Christ! Raine, you almost killed Zarina. Ngayon mo pa ba pa iiralin ang selos mo huh! Be matured enough

