"Pakiramdam ko sirang-sira na ang image ng pamilya natin." ani Sevastian. "Buti ako medyo maayos." natatawang wika ni Dwight. "Kasalanan ito ng asawa nito e." wika naman ni Skyler "Nakakasira ng buong pagkatao, wala ka man lang bang sasabihin?" baling ni Dennis kay Railey. "Mahal n'yo ba ang asawa n'yo? Kung hindi puwede naman kayong mag-hubad," hamon ni Railey. "Wag na kayong mag reklamo kung 'di n'yo lang din kayang maging matapang." sabay-sabay naman na napabuga ang mga magkakaibigan. "buti kayo mainam-inam pa ang mag hitsura n'ya. Samantalang ako parang gusto ko ng alisin ang isang turnilyo sa ulo ko." natawa naman si Skyler. "Matagal ng natanggal ang tuknilyo sa utak mo." "Papa," napalingon naman silang lahat ng lumapit si Yuan na ikinatawa nila sabay-sabay. "Parang kulang s

