"Gusto mo ingud-ngud kita sa semento Avery?" galit na angil ni Athena habang nag lalakad sila papasok ng grand ballroom hotel kung saan ginagawa ang binyagan ng mga anak nila Ate Raine at Kuya Yuan kasabay na din ang 1st birthday ng mga bata. Natunton s'ya ng sister-in-law n'yang si Athena asawa ng Kuya Dean n'ya after n'yang mag tago ng halos mahigit isang taon after ng pag lubog ng ferry boat na sinasakyan n'ya. "Hindi naman ako umuwi para umattend ng party e, gusto ko lang mag paalam kila Mama at Papa. I'm staying at boston for good," reklamo ni Avery habang hila-hila s'ya ng sister-in-law n'ya." "Tumigil ka nga! Alam mo ba na walang araw na hindi na lulungkot si Mama Ai, si Daddy Den. Gusto ka nilang hanapin pero sinisisi nila ang sarili nila kung bakit ka nag decide na lumayo at h

