"Sir! Baka puwede natin pag-usapan ito." paki-usap ng ama ni Le-Ann ng maging bisita ito sa office nila. S'ya na mismo ang nag tanggal kay Le-Ann bilang endorser para wala na itong bayaran na damage. Sa ngayon si Mik-mik ang hinihimok nilang maging bagong mukha ng Lopez corp bilang brand ambasador nila. Nakikipag negotiate pa sila sa biyenan na lalaki na sobra kung makapaningil ng talent fee para kay Mikmik. "Wala naman sanang naging problema kung 'di n'yo lang sana pinapunta ang anak n'yo sa bahay ko just to sell a damn insurance. kapapanganak pa lang ng asawa ko at ayoko na na sstress s'ya sa mga bagay-bagay na nasa paligid n'ya. And your daughter is giving her a hard time at hindi ko gugustuhin na mag karoon ng postpartum ang asawa ko dahil sa anak n'yo sir." "Pero Mr. Enrico, mabait

