"Hello po goodmorning," ang sarap ng hilata ni Raine sa sofa nila habang nag babasa ng magazine at si Yuan naman ay nasa paanan n'yang nag mamasahe ng mga daliri n'ya sa paa. Sunday ngayon at kadarating lang nila galing simbahan nag pa book na sila para sa binyag ng triplets. Sabay pa silang napalingon ni Yuan sa pinto na kung lumilipad lang ang kilay baka nawala na sa mukha ni Raine ang kilay ng makita ang bagong endorser ng kumpanya nila Yuan. Naka formal attire naman ito pero slack and blazer pero lintik naman ang neckline ng pulang blouse na tinakpan nito ng blazer parang puwet na ng mga anak nila ang naka expose na dibdib ng babae. Pula din ang high heels na suot nito pati nguso nito pulang-pula na para bang nang-aakit talaga ito. Agad naman na napatingin si Raine sa asawa na tuloy la

