"Boyfriend ba ni ma'am yung kasama n'ya" Bulong ng isang tauhan ni Raine habang nag-aayos ng isang hotel ballroom kung saan isang bedut ang gagawin. "Hindi ako sure pero kanina pa yan kasama ni ma'am sa office pa lang pag-pasok n'ya, pero kanina ang ganda ni ma'am ng umalis ako sa shop ngayon ewan kung anong nangyari at bumalik naman ang war color n'ya.' "Pero at least dalawang kulay lang s'ya ngayon, hindi masyadong masakit sa mata.' "Pero jowa kaya talaga ni Ma'am yan, grabe ang yummy ng dating n'ya para s'yang artista ano?" "Agree! pero paano naman si Sir Ivan, kawawa naman s'ya kung jowa yan ni ma'am." "Friends lang kasi talaga sila ni Sir Ivan," "Tama na! Tsismisan ayan na si Ma'am.' bulong ng isang staff ng matanaw na papalapit sa kanila ang among babae. "Kumusta maayos ba an

