"Anong masamang hangin ang nag tulak sa'yo na umuwi ka dito?" tanong ni Railey ng makita ang anak hila-hila ang aso nito. "Bakit n'yo kinulong si Bethoven sabi ko hayaan n'yo s'yang tumakbo ng tumakbo sa labas." "Hoy! alam mo ba kung gaano mag kalat ng laway at balahibo yang aso mo, nag aamoy aso na kaming lahat dito. Ako ang inaaway ng lolo mo dahil sa aso mo." "hindi n'yo din pinaliguan ang baho tuloy kainis. Tara bebeboy liligo tayo." "Hep! Hep! Dun ka sa likod dumaan malilintikan tayo sa mommy mo kapag yang malahibo n'yan nakita sa carpet." malakas naman tumahol si Bethoven. Ang 1 year old n'yang St. Bernard na aso na napulot lang n'ya sa labas ng bahay nila na ipinag alam naman nila sa kinauukulan kaso walang nag claim o nag hanap sa aso kaya naman inalagaan na lang n'ya kesa dala

