The Seductive Encounter
POV: Blythe Evangelista
Mainit ang sikat ng araw, pero mas matindi ang kaba sa dibdib ko. First day ng RLE (Related Learning Experience) namin sa hospital. Bilang isang nursing student, kailangang perfect ang hitsura ko—mula sa puting-puti na uniporme hanggang sa maayos na pagkaka-ipit ng buhok ko.
Habang naglalakad ako sa hallway ng university building malapit sa parking lot, biglang humarurot ang isang kulay pulang Ferrari. Halos mapatalsik ako sa gilid dahil sa bilis nito.
"Hala! Muntik na 'yun!" bulong ko habang hinahawakan ang dibdib ko.
Huminto ang sasakyan sa VIP slot. Bumaba ang isang lalaking tila galing sa isang malaswang panaginip. Si Zeus Valderama. Magulo ang buhok, bahagyang bukas ang butones ng polo shirt niya na nagpapakita ng matikas niyang dibdib, at may suot na mapanghamong ngisi.
"You should be more careful, Angel," boses niya na malalim at medyo paos—isang boses na parang humahaplos sa balat.
"M-muntik mo na akong masagasaan, Mr. Valderama," matapang kong sagot, kahit na ang totoo ay nanginginig ang mga tuhod ko sa presensya niya.
Lumapit siya sa akin. Masyadong malapit. Amoy ko ang halo ng mamahaling perfume, sigarilyo, at ang natural na amoy ng isang lalaking alam na alam kung paano mambighani. Ipinitpit niya ako sa pader ng hallway, ang dalawa niyang kamay ay nakatukod sa magkabilang gilid ng ulo ko.
"And if I did? I'm an architect, Angel. I'm good at fixing things... and breaking them," bulong niya sa mismong tenga ko. Ramdam ko ang mainit niyang hininga na nagpatindig ng balahibo ko.
"Ano bang ginagawa mo? Bitawan mo ako, may duty pa ako," pagpupumiglas ko, pero parang nawalan ng lakas ang mga braso ko nang dumapo ang tingin niya sa labi ko.
Dahan-dahang ibinaba ni Zeus ang isa niyang kamay at hinawakan ang bewang ko, pilit akong inilalapit sa katawan niya. Ramdam ko ang tigas ng kanyang abs sa manipis kong uniporme. Hinawakan niya ang hibla ng buhok ko at inamoy ito.
"You smell like baby powder and innocence," usal niya, ang boses ay puno ng pagnanasa. "Common types are boring. But you... you make me want to see how far that 'purity' goes."
Bago ko pa siya masampal, idiniin niya ang kanyang katawan sa akin. Isang mapanuksong halik ang iginawad niya sa gilid ng leeg ko—mabilis, basa, at puno ng kuryente. Napasinghap ako, isang tunog na hindi ko alam na kaya kong ilabas.
"Zeus, tama na..." mahina kong sabi, pero ang katawan ko ay tila nagtatraydor sa akin.
Tumawa siya nang mahina, isang tunog na nakaka-adik pakinggan. Lumayo siya nang bahagya, sapat lang para makita ang namumula kong mukha at ang mabilis na pagtaas-baba ng dibdib ko.
"This is just the orientation, Angel," nakangisi niyang sabi bago siya bumalik sa sasakyan niya. "Next time, make sure your uniform is ready to get dirty. Because I'm coming for you."
Iniwan niya akong nakasandal sa pader, hingal na hingal at litung-lito. Ang inosenteng Blythe na kilala ko ay tila unti-unti nang nilalamon ng panganib na hatid ng isang Zeus Valderama.
The Aftershock
POV: Blythe Evangelista
Nanginginig ang mga kamay ko habang inaayos ko ang aking pin na may pangalang 'Blythe Evangelista, Student Nurse'. Gusto kong magalit, gusto kong isigaw na wala siyang karapatang bastusin ako nang ganoon, pero bakit ganoon? Bakit tila nanlambot ang mga tuhod ko sa isang halik lang sa leeg?
"Blythe! Huy!" Nagulat ako nang tapikin ako sa balikat ng kaibigan kong si Kristy. "Anong nangyari sa 'yo? Bakit para kang nakakita ng multo? At bakit namumula 'yang leeg mo?"
"A-ah, wala... may insekto lang yata kanina," pagsisinungaling ko. Hindi ko kayang sabihin na ang "insekto" na tinutukoy ko ay ang pinaka-kinatatakutang babaero sa campus.
Dali-dali kaming pumunta sa hospital para sa aming duty. Pero buong maghapon, hindi ako makapag-focus. Tuwing maglalagay ako ng stethoscope sa pasyente, ang naririnig ko ay hindi t***k ng puso nila, kundi ang malalim at paos na boses ni Zeus: "I'm coming for you."
---
Samantala, sa kabilang panig ng University (Architecture Studio)...
Nakaupo si Zeus sa kanyang drafting table, pero imbes na blueprint ang iguhit, ang mukha ni Blythe ang paulit-ulit na pumapasok sa isip niya. Nakangisi siya habang inaalala ang gulat at takot sa mga mata ng dalaga.
"Zeus, bro, balita ko may bago kang biktima sa Nursing ah?" biro ni Drake, ang tropa niyang kasing-loko rin niya. "Yung Blythe? Good luck, bro. Balita ko, kasing-tigas ng semento ang prinsipyo niyan. 'Church girl' 'yan."
Zeus leaned back, his eyes darkening with a mix of mischief and desire. "The harder the wall, the more satisfying it is to break it down, Drake. I don't just want her to fall in love. I want her to crave me."
Kinuha ni Zeus ang kanyang cellphone at may tinawagan. "Find out her schedule. Every ward, every shift, every break. I want to be everywhere she looks."
---
Back to Blythe (6:00 PM - End of Duty)
Pagod na pagod ako habang naglalakad palabas ng hospital. Madilim na at kakaunti na lang ang tao sa paligid. Habang naghihintay ako ng jeep sa tapat ng gate, muling tumigil ang pamilyar na pulang Ferrari sa harap ko.
Bumaba ang glass window nito. Hindi na siya naka-leather jacket. Naka-white button-down shirt na lang siya na bukas ang unang tatlong butones, exposing his tan, muscular chest.
"Get in, Angel. I'll drive you home," utos niya. Hindi ito tanong; ito ay isang command.
"May sasakyan ako, Zues. Jeep ang tawag doon," matabang kong sagot.
"I don't take 'no' for an answer, Blythe. Sumakay ka, o ako ang bababa diyan at bubuhatin kita papasok dito sa harap ng maraming tao. Your choice."
Tiningnan ko ang paligid. Maraming estudyante ang nagsisimulang tumingin. Ayokong gumawa ng eksena, lalo na't naka-uniporme pa ako. Wala akong nagawa kundi ang buksan ang pinto at sumakay.
Pagkaupo ko, agad niyang ni-lock ang mga pinto. Ang loob ng sasakyan ay amoy leather at ang nakakalasing niyang pabango. Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin, dahilan para mapaatras ako sa upuan.
"Seatbelt first, Angel," bulong niya. Imbes na hayaan akong gawin ito, siya na ang humila ng belt. Sa sobrang lapit niya, naramdaman ko ang dulo ng ilong niya na dumapo sa pisngi ko.
"You're shaking," asar niya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko. "Takot ka ba sa sasakyan... o takot ka sa nararamdaman mo kapag malapit ako?"
Hindi ako nakasagot. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang malakas na kabog ng sarili kong puso na tila sumasabay sa ugong ng makina ng sasakyan niya.
🌼