"Don't worry po Dad, ako na po ang bahala kay Patricia," nakangiting saad niya sa biyenan nang ihatid ito sa labas matapos nitong ihatid ang anak nito sa bahay niya. "Miko, ikaw na ang bahalang mag pasensya diyan sa anak ko ah. Habaan mo na lang ang pasensya mo,' bulong sa kanya ng biyenan. "Daddy!" Saway ni Patricia na nasa likuran niya nang marinig ang bulong ng Daddy nito. "Patricia asikasuhin mo ang asawa mo, huwag kang mag inarte, wala ka na sa bahay natin. Ang asawa mo na ang asikasuhin mo," seryosong saad ng biyenan sa asawa. Sinulyapan niya si Patricia na nakatayo sa may likuran niya, saka siyang bahagyang ngumiti at muling nagpaalam na sa biyenan. Wala rin namang nagawa ang asawa niya. Nagmamatigas pa ito na hindi daw ito titira sa bahay niya. Hindi naman pala maka ayaw sa Da

