"Para sa akin Miko, wala tayong dapat pag usapan pa! Tinrato mo kong parang basura noon na pagkatapos mong pakasalan basta mo na lang ako pinatapon sa malayo!" Galit niyang saad kay Miko at buong lakas niyang binawi ang kanyang braso rito. Pinagpasalamat niyang nabawi naman niya. "Malinaw sa akin ang lahat, Miko. Kailangan ko pa ring magtago at walang pwedeng makaalam na asawa mo ko! Don't worry hindi ko rin nais na malaman ng iba na asawa kita!" Galit pa niyang saad rito sabay kuha sa kanyang mga gamit. Hindi siya papayag na tumira sa bahay nito. "Tatawag na lang ako sa secretary mo para ipaalam kung saan niya ipapadala ang allowance ko," saad pa niya habang tila nakatulala sa kanya ang asawa. "Pareho nating hindi ginusto ito, Miko!" Saad pa niya sabay talikod dala ang kanyang mga gami

