"Ngayon ka lang na late ah, may nangyari ba?" May pag-aalala sa tinig ng pinsan niyang si Mark nang magtungo na siya sa munisipyo para mag trabaho. "Na late lang ng gising," tugon niya sa pinsan na siyang nakaupong Mayor ngayon sa bayan nila. "Baka kase kung saang condo o hotel ka na naman nakitulog," iling ulong saad ng pinsan. "Hindi naman,' nakangiting tugon niya sabay kamot pa sa kanyang ulo. Sa ngayon kahit kay Mark na ka close at pinsan niya ay hindi pa niya handang sabihin ang tungkol kay Patricia na asawa niya. Wala pa siyang balak ipakilala si Patricia sa ibang kamag anak niya o mga kaibigan at lalo na sa kanilang bayan. Sa kauna-unahang pagkakataon na late siya sa pagpasok sa munisipyo na napansin ng marami dahil pagdating sa trabaho niya sa bayan nila ay hinding-hindi siya

