"Pasensya ka na Andrie wala kasi akong ibang mapuntahan. Buti na lang ay inabutan kita rito," saad niya sa kaibigan na si Andrie. Sa restaurant ng kaibigan niyang si Andrie siya nagpunta nang makalabas ng bahay ni Miko. Hindi naman siya lalayo o tatakas sa asawa niya. Ayaw niya ng gulo. Ang nais lang niya ay may makausap dahil baka mabaliw na siya sa dami ng kanyang iniisip at gumugulo sa kanyang isip. Hindi na niya alam kung ano ba ang tamang gawin sa kanyang sitwasyon. Hindi rin siya nagtungo sa restaurant ni Andrie para ipaalam ang relasyon niya kay Vice Mayor Miko. Hindi pa rin niya pwedeng ipaalam ang tungkol sa bagay na iyon sa ibang tao. Hindi rin niya nais sabihin pa para makaiwas na lang din sa paliwanag. "It's ok, masaya nga ako Patricia at sa akin mo naisipang magpunta," naka

