"Anong hindi mo naintindihan, Patricia sa sinabi ko sa iyong huwag kang lalabas ng bahay?!" Galit na tanong sa kanya ni Miko nang makapasok na sila nito sa loob ng bahay. Akala nga niya kanina hindi sila aabot nito sa bahay dahil sa sobrang bilis nitong magpatakbo ng sasakyan, halos salubungin na nga nito ang ibang sasakyan sa sobrang bilis nito magpatakbo. Pasalamat pa rin siya at ligtas silang nakauwi nito. "Hindi naman pwedeng magmukmok na lang ako rito sa bahay ko Miko! Ang pagpunta ko nga rito ay against my will, tapos ikukulong mo pa ko!" Matapang niyang tugon rito. Napansin niyang mabilis na nagsi alisan ang mga kasambahay na kanina ay nasa sala. Marahil dahil sa sigawan nila ni Miko. Tiyak na isa sa mga kasambahay ang nagsumbong sa asawa niya na umalis siya ng bahay, kaya nahan

