"Damn it! Mura niya nang pumasok sa master bedroom na siya lang ang natutulog dahil hindi niya mapasunod ang asawa niya. Mula nang dumating ang asawa sa bahay niya, hindi na siya napakali. Pakiramdam niya hindi na siya makapagpahinga sa kaiisip sa sarili niyang asawa. Lagi na lang nagigimbala ng asawa ang kanyang isip. Naiinis pa siya dahil hindi niya ito mapasunod. Sarili niyang asawa hindi niya magawang mapasunod sa kanya. "B*llsh*t! Kailan ka ba susunod sa akin Patricia!' Inis niyang saad. Buong akala niya magiging sunud-sunuran sa kanya ang asawa, kaya wala na siyang sinabi pa nang naisin ng mga magulang nila na umuwi na si Patricia ng San Juan at magsama na sila nito. Akala niya ito pa rin ang dating Patricia na pinakasalan niya dalawang taon na ang nakakalipas. Hindi naman niya al

