Chapter-26

1736 Words

"Dito na lang po kayo mag dinner, nagpahanda po ako ng kaunti para sa atin," saad ni Miko sa mga magulang niya nang magpaalam na ang mga itong uuwi na bago pa man dumilim sa labas. "Naku salamat, Miko next time sige dito kami mag di-dinner sa ngayon kasi naghihintay si Kate sa amin, baka magtampo iyon," tugon ng Daddy niya kay Miko. Hindi niya nababakas sa mukha ng ama ang malaking problemang kinakaharap nito. Sadyang fighter ang Daddy niya at hindi basta-basta sumusuko sa ano mang laban. Kung iba sa ganitong pagkakataon baka nakamukmok na lang at hindi na malaman ang gagawin, at least ang Daddy niya nakakangiti pa. Hindi mo man maiisip na problema pala ito. "Bukas mag dinner kayo sa bahay tutal wala naman ng pasok sa trabaho. Magpapahanda ako," saad pa ng Daddy niya kay Miko. "Sige po

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD