Chapter-10

1506 Words

Kasalukuyan; "Agad na tumayo ang Mommy at Daddy niya para salubungin ang bagong dating. Napalunok siya at nanatili sa kanyang kinauupuan. Hindi pa niya nakikita si Miko dahil nakatalikod siya rito, pero kahit dalawang beses pa lang niya itong nakita ng personal at dalawang taon na ang nakakalipas, kabisado na niya ang tinig ni Miko, isama pa ang amoy ng cologne nito na kabisadong-kabisado na rin niya. "Patricia, andito na ang asawa mo," narinig niyang saad ng Daddy niya habang nanatili siya sa kanyang kinauupuan at nakayuko. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Mabilis ang t***k ng kanyang puso. Noon pa man ito ang lagi niyang nararamdaman kay Miko sa tuwing malapit ito sa kanya. Pero parang mas malakas ang kabog ng kanyang dibdib ngayon at mas mabilis ang t***k ng kanyng puso. "Ah.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD