Chapter-11

1636 Words

"Nag email ako sa iyo para ipaalam ang pagdating ko ngayon. Nagsabi rin ako sa secretary mo na kailangan kitang makausap dahil pinapauwi na ko ng Daddy ko!" Mariing tugon niya sa asawa. Kung galit ito sa pagdating niya, mas galit siya. "Damn it!" Mura nito at mariing pinikit ang mga mata. Galit ito sa kanyang pagbabalik, dahil mapupurnada ang pambabae nito? Medyo nagulat siya inaasal ng asawa niya, kung noon may kagaspangan na ang ugali nito sa kanya, parang mas naging magaspang pa ang ugali nito ngayon sa kanya. "Hindi mo ba nabasa ang email ko?" Tanong niya rito. "Nabasa ko," tugon nito sa kanya. "Binalewala mo lang," saad niya. "Hindi rin naman kita mapipigilan sa pag uwi mo kahit mag reply pa ko sa iyo," saad nito. "Sina Mommy at Daddy ang nagpupumilit na umuwi na ko," she said.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD