Panalo si Miko sa pagka Mayor, Vice Mayor naman ngayon si Mark at Congressman si Mikel. Ang tatlong de la Cerna panalo sa naganap na eleksyon. Sigurado naman kasi ang serbisyo ng tatlo, hindi kurakot at may malasakit sa mga nasasakupan. Kahit paulit-ulit na tumakbo ang mga ito ay paulit-ulit rin ang panalo dahil kilala na ito ng mga tao at alam ng mga tao na may pag unlad at walang mahihirapan. "Congratulations,' saad niya sa asawa matapos malaman ang result ng eleksyon, halos lahat ng boto ay sa asawa niya. Matalino na ang mga tao ngayon, hindi na katulad noon na pwede pang bayaran ay suhulan. Malaki rin ang tulong ng social media dahil nakilala ng husto ang mga pulitikong tumatakbo, dahilan para hindi na makapwesto pa ang mga taong walang malasakit sa nasasakupan. "Thank you, sweethear

