Isang linggo mula nang malaman nila ni Miko na buntis na siya, nagpa party sila sa bahay para sa pag anunsyo sa kanyang pagdadalang tao. Inimbitahan nila ang mga magulang at kapatid niya, pati na mga pinsan ni Miko para saksihan ang magandang balita sa kanila ng asawa. Isang linggo ang napalipas nila dahil halos araw-araw masama ang kanyang pakiradam dahil sa maselan ang kanyang pagbubuntis, isama pang pinagaling din muna niya ang sugat sa kanyang braso. Para naman ma enjoy niya ang party celebration sa kanyang pagbubuntis. Dahil na rin sa buntis na siya hindi na siya sinasama pa ni Miko sa kampanya, sa bahay na lang siya at university. Dahil na rin sa ginawa ni Sky sa kanya kaya hindi na siya lumalabas ng bahay na mag isa lagi siyang may kasamang security. Kung siya lang kaya naman niya

