"Ano bang problema? Hindi ka ba nasisiyahan?" Tanong sa kanya ni Celine na isa sa matagal na niyang kilala na alam niyang kursunada rin siya. Sadya niyang tinawagan si Celine dahil nakaramdam siya ng pangangailangan at hindi naman siya nito binigo, wala pang isang oras nasa condo na niya ang babae. Ang hindi lang niya maintindihan kung bakit wala siyang excitement na maramdaman, bakit hindi siya nasisiyahan at higit sa lahat bakit mukha ni Liyah ang nakikita niya? Ilang araw na siyang ganito na para bang nababaliw na siya dahil walang laman ang kanyang isip kundi si Liyah. Wala namang ginawa sa kanya si Liyah kundi patuloy na tanggian siya, kahit ano pang tulong ang gawin niya rito. Masyadong matigas ang paninindigan nito na hindi siya nito papatulan dahil lamang sa pera. So, ano ba ang k

