Mikel-18

1604 Words

Sa may gate pa lamang siya ng bahay ng tiyahin dinig na dinig na niya ang malakas na sigaw ng tiyang niya na parang bang may pinagagalitan ito. Napahinto siya sa pag hakbang at pinakinggan ang mga sigaw, galit na galit ito at narinig niya ang umiiyak na tinig ng kanyang kapatid na si Lloyd. "Lloyd!" Bulalas niya at napatakbo papasok sa loob ng bahay. "Lloyd, T'yang!" Saad niya nang madatnan ang mga ito sa sala. Mabilis niyang nilapitan ang kapatid na umiiyak sa harapan ng tiyahin niya. Wala pa si Leslie at ito lang mag isa ang humaharap sa galit ng tiyahin nila. Naroon ang bunsong anak ng tiyahin nila na wala namang pakialam nakaupo lang habang pa cellphone- cellphone. "Pagsabihan mo iyang kapatid mo Liyah! Napakatamad! Hindi mautusan!" Sigaw ng tiyahin niya sa kanya nang iharang ang sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD