Lumabas sila ni Congressman ng ospital at doon nag-usap. Hindi nga niya alam kung paano nangyari sumunod siya rito nang sabihing mag-usap sila nito sa labas, marahil dahil tuliro na rin siya at hindi malaman ang gagawin. Hindi naman kasi birong alaga ang kailangan niya sa ganitong klaseng ospital. "Bakit ka narito ka ospital, Liyah?" Tanong sa kanya ni Mikel habang nakatayo sila sa labas at mapapansin na may mga napapasulyap sa kanila. Marahil nagtataka kung bakit kausap ng isang Congressman ang isang teenager na tulad niya. Dito namin dinala si Lloyd ang bunso kong kapatid, wala na kasing available sa public hospital, kaya dito na kami sumugod,' amin niya rito habang nakatingala siya at nakatingin sa mga mata nito. "Anong nangyari sa kapatid mo?" Usisa nito. "Mataas ang lagnat niya,

