"Sinong may sabi na papayag ako sa gusto mo Miko!" Galit niyang saad sa asawa matapos nitong sabihin na nais na nitong magsama sila na para bang normal na mag asawa. Hindi normal ang pagpapakasal nila. Hindi rin normal ang mismong gabi ng kanilang honeymoon iniwan siya ng asawa niya mag isa sa Villa. Hindi siya umaasa ng honeymoon rito noon, dahil halik nga lang hindi pa nito naibigay sa kanya. Isama pang nilinaw nito sa kanya na hindi pwedeng ma consummate ang kanilang kasal. Tapos ngayon sasabihin nito na dapat mg ma consummate ang kasal nila. Nababaliw na ba ito. Ano ito sinuswerte at ito na lang lagi ang masusunod. Dalawang taon na ang nakakalipas mula nang maging sunud-sunuran siya sa asawa. Wala siyang boses sa pambabalewala nito sa kanya, na para lang siyang hangin rito at hindi a

