Alas siyete na ng gabi nang makauwi siya sa bahay. Medyo marami kasi ang ginawa niya sa opisina kaya inabot na siya ng dilim. Ganun pa man pinilit pa rin niyang makauwi ng maaga, dahil alam niyang naghihintay sa kanya ang asawa sa bahay. Natawagan niya si Manang Nena at tinanong kung kumain ang asawa niya. Mabuti na lang at mukhang hindi na ito nag a-hunger strike dahil kumain daw ito. Isa pa sa report ni Manang Nena ay ang hindi pagtatangka ni Patricia ma umalis ng bahay. Mukhang natauhan na ito ngayon at sumusunod na ang asawa sa kanya. Kaya naman pagpasok pa lang niya sa loob ng bahay tinanong na niya agad sa kasambahay na sumalubong sa kanya kung nasaan ang asawa niya. Medyo excited yata siyang makita ito. Sa buong araw niya sa munisipyo at opisina walang ibang laman ang isip niya

