"Anong kailangan mo?' Mataray niyang tanong kay Miko nang pagbuksan ito ng pintuan sa guest room kung saan siya naka stay. Ilang araw na siya roon para maiwasan ang asawa. Galit siya rito sa mga ginawa nitong kasalanan sa kanya. Dahil na rin sa galit niya sa asawa hindi na muna siya sumasama sa pangangampanya nito, kahit na may mga plano na sila nito bago pa man ang sila nito mag away. Nang dahil sa kasinungalingan ng asawa nagulo ang lahat sa kanila. Sa isang relasyon at pagsasama talaga ang tiwala ang pinaka mahalaga. Hindi dapat nawawala ang tiwala sa isat-isa. "Pasensya na Patricia kung naka istorbo ako,' paumanhin nito sa kanya na lalo lang niyang kinataas ng kanyang kilay. "Gusto ko lang sanang ibigay sa iyo sa iyo ito," Miko said at inilabas mula sa likuran nito ang isang bouquet

