"Alam mo Miko hindi ka pupunta dito nang biglaan para lang makita ako,' Mikel said nang sadyahi niya ang pinsan sa bahay nito. Hindi na kasi siya makapakali at wala siyang mapagsabihan sa pinagdadaanan niya ngayon sa pagsasama nila nu Patricia. Ilang araw na silang hindi magkasama ng asawa sa silid, sa guest room ito natutulog at iniiwasan pa siya nito, halos hindi na nga sila nito magkita sa loob ng bahay. Hindi na kasi siya ang naghahatid, sundo sa asawa sa university. Marunong itong mag drive kaya ito na lang mag isa ang pumapasok sa university, ayaw na din kasi nitong magpasama sa mga security, lalo na sa kanya. Hindi naman niya masisisi ang asawa kung galit ito sa kanya, dahil may kasalanan naman talaga siya, kaya tanggapin na lang niya ang galit nito, pero hanggang kailan? Hanggan

