Hanggang sa makauwi na sila sa bahay ni Miko nanatili siyang tahimik at piniling huwag kausapin muna ang asawa. Naguguluhan siya sa mga nangyayari ngayon, tila ba parami ng parami ang mga nalalaman niyang kasinungalingan ng asawa. Una ang kunwaring pagkakautang ng Daddy niya sa banko ng mga ito na inipit pa siyang sipingan ito at bigyan daw ng anak kapalit ang isang daang milyong utang ng Daddy niya sa banko ng pamilya nito, na hindi naman pala totoo at gawa-gawa lang ng mga ito para maayos daw ang pagsasama nila, as if naman na iyon ang tamang paraan para maayos sila. And also nang dahil sa kasinungalingan ng mga ito muntik pa siyang mapahamak sa agency na pinuntahan niya para lang makahanap ng trabaho at may maipambayad siya ng utang. Isama pa ang stress, anxiety at kung anu-ano pang na

