Sa unang araw ng kanyang pangangampanya kumpleto ang suporta ng kanyang buong pamilya, halos buonh angkan na yata ng mga de la Cerna sumama sa unang araw at ganoon rin ang pamilya ni Patricia. Kasama ang Mommy at Daddy nito at dalawang kapatid rin. Natutuwa siyang makita na todo suporta sa kanya ang lahat, isama pa ang Kuya ni Patricia na dating ayaw na ayaw sa kanya at ngayon ay todo suporta na rin sa kanya. "Patricia this is Mikel, my cousin, tatakbo siyang Congressman," pakilala niya kay Patricia sa pinsan niyang si Mikel de la Cerna ang anak ng kapatid ng Daddy niya, at nasa pulitika rin ito para mag malinis na mag serve sa bayan. "Mikel, meet my beautiful wife, Patricia," masigla at proud na proud niyang pakilala sa asawa niya. "Hi, Patricia, finally na meet na rin kita," Mikel sai

