Capitulum 5

2140 Words
Andito kami ngayon sa airport. Dahil ngayon ang araw ng pag uwi namin. Andito din ang mga members WP. And ofcourse si Hubby na sobrang cold dahil nasa harap ng madaming tao. "Charlene halika na.Pumasok na tayo." Pag tawag saakin ni Kuya. Isa isa ko silang niyakap pwera sa mga babae. Nilapitan ko si Mafi atsaka niyakap. Sabay bulong. "Hubby I love you.Aalis na kami.Mag iingat ka.Wag mo kakalimutan kumain ng almusal, tanghalian at hapunan. Wag mo ko ipagpapalit kay Sun." Ng kumalas ako sa pag kakayakap niya ay may ibinigay itong sulat. "Basahin mo pag naka sakay ka na." Cold na pag kakasabi niya. Napailing nalang ako sa inaakto nito. Aalis nalang ako cold padin dahil madaming tao. But deep inside napaka sweet na tao. Lihim akong napangiti. Tinulak ko na ang mga cart papasok sa loob ng airport. Kumaway ako bago tuluyan ng pumasok. I'll miss them Especially my Emperor. --------- Lungkot yan ang nararamdaman ko dahil wala na naman siya sa tabi ko. Pero wala akong magagawa dahil alam kong sobra ang dinanas niya sa kamay nila. Kaya nararapat lang na mag higanti ito. Pero hindi ko lang lubos na maisip kung bakit ayaw ako nito isama.Napabuntong hininga nalang ako. Pumasok ako sa kwarto ko at nahiga. Kahit saan banda ako tumingin ay siya ang naaalala ko. Lahat ng pinag samahan namin. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. ------ Pag ka lapag palang ng eroplano ay ibang Charlene na ang makikita saakin. Hindi na ako si EMPRESS CHARLENE GAIL SCOTT ako na ngayon si CHARLENE LOPEZ. Agad akong nag lakad papalabas ng airport kasama si Kuya Clinton. "It's nice to be back." Naka smirk kong sabi. "Lets go Charlene." Agad naman akong sumunod sa kaniya. Nang nasa may dulo na kami ay nakita ko ang mga men in black ni Kuya. Isa isa nilang kinuha ang mga maleta namin at pinasok ito sa sasakyan. Agad naman kaming pumasok ni Kuya sa kotse. "Saan ka titira ngayon?" Naka kunot noong tanong nito saakin. Alam na nito ang mga plano. At suportado nito ako. Pero hindi parin maalis sa kaniya ang pag aalala. "Sa condo ni Mafi ." Cold na pag kakasabi ko. Tumingin ito saakin at kumunot ang noo. "Hindi bat alam ng DA ang condo niya?" Hindi ito sigurado sa kaniyang sinasabi. "May bago siyang condo. " Nag nod nalang ito. Napag usapan kasi na ihahatid na niya ako ngayon para makapag pahinga narin ako. Ng pumasok na sa kotse ang dalawang men in black inutos nito na ihatid na ako sa condo. Wala pang 20 mins ay nakarating na kami. "Salamat Kuya." Ginulo lang nito ang buhok ko at pag tapos ay umalis na. Kinuha ko sa bag ko ang susi ng condo at binuksan ito. Isa isa kong pinasok ang nga maleta ko. Tutulungan ako sana nila Kuya kaya lang sabi ko wag na. Alam kong ayaw ni Mafi ng may ibang pumapasok dito. Ng maipasok ko lahat ng maleta ay sinara ko na ang pinto. Simple lang ang condo pero maganda, kulay puti. Isa lang ang kwarto dito. Bukas nalang ako mag aayos gusto ko muna mag pahinga. Pumasok ako sa kwarto at laking gulat ko sa nakita ko. Puro stolen shots ko ito noong mga panahon na hindi ko alam na nakabalik na siya dito sa Pilipinas. Agad naman may gumuhit na ngiti sa labi ko sa nakita ko. Hinawakan ko ang singsing na suot suot ko. Ngayon palang ay namimiss ko na si Mafi. Lahat ng pag lalambing nito. Kung pwede sanang dito nalang siya kasama ko. Pero hindi ko kayang makitang nasasaktan siya. Alam niya lahat ng plano ko. Pero hindi niya alam ang isa ko pang plano ayoko man gawin ito pero kailangan. Biglang naalala ko ang sulat na ibinigay niya saakin bago ako umalis kanina. Agad ko itong kinuha sa bag at binasa. Wifey, Siguro ngayon na nababasa mo ito ay nasa eroplano ka palang o nasa Pilipinas ka na. Sobrang mamimiss kita. Kulang ang salita para malaman mo kung gano ako nangungulila na mawawala ka ulit sa tabi ko. Pero sa pag alis mo ay dala dala mo ang puso ko. Sana ay pag ingatan mo ito hanggang sa huli nating pag kikita. Sana pag nag kita ulit tayo ay nasayo pa ang singsing natin para sa ating mga pangako sa isat isa sa harap ng Diyos. No matter what happen andito lang ako sayo. I love you Wifey. Please always take care of yourself. Love, Hubby Sweet si Mafi sa sarili niyang paraan. Wala na akong ibang mahihiling pa dahil na kay Mafi na ang lahat. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Kuya Clinton. "Bakit Charlene?" Halata sa boses nito na kakagising lang. "Kuya sorry kung naistorbo kita pero pwede mo ba itext saakin kung saan university nag aaral ang mag asawa na yun at ano ang course nila?" Pag tatanong ko dito. "Alright itetext ko nalang." Agad din nitong binaba ang tawag. Nahiga ako sa kama. Naaalala ko ang huling araw ko sa Japan.Mag katabi kaming natulog noong gabi na iyon. Agad kong kinuha ang cellphone ko at nag dial.Agad din naman nitong sinagot. "Hello." Ano bang meron ngayon at sa tuwing tatawag ako ay bagong gising ang mga tao? "Hubby!" Hasayang bati ko dito. "Wifey, ano andiyan ka na ba sa Pilipinas? Kamusta ang biyahe ? "Pag tatanong nito. "I'm fine don't worry. Andito na ako sa condo mo ." Nakangting sabi ko dito. "So nakita mo na?" Alam kong nakangiti na ito ngayon. "Yeah nagustuhan ko. Stalker talaga kita Hubby." Natatawang sabi ko. "Whatever you say. Ikaw ang boss wala akong palag sayo." Sabay tawa nito. Natawa nalang din ako sa sinasabi nito. "I miss you hubby" Biglang nalungkot ang boses ko. Dahil gusto ko na siyang mayakap at makasama. "I miss you too wifey. You need to rest kaya ibababa ko na ito. I love you. " Hindi na nito hinintay ang sagot ko. Agad na nitong binaba ang tawag ko. Agad kong nag punta ng banyo naligo ako 'tsaka ako nahiga at natulog sa kama. Maaga akong gumising para pumasok. May bakas ng ngisi sa mukha ko. Nakakatuwang isipin na hindi sinundan ni Christine si Charlie sa course nito. Poor little Christine. Sisiguraduhin ko ngayon na magiging baliktad naman. Siya naman ang maiiwan mag isa. Agad akong nag lakad patungo ng Principal's office. At pag bukas ko palang ng pinto ay siya na agad ang nakita ko. "Kuya." nakangti kong bati sa kaniya sabay beso. "Charlene what are you doing here?" Nag tatakang sabi nito. "Ayaw mo ba akong makita ha Kuya Clinton?" Nakataas kilay kong sabi dito. "You know na palagi kitang gusto makita. " Pag papaliwanag nito. Bukod sa business ni Kuya ay siya rin ang Principal ng school na ito. Dahil ang school na ito ay pag mamayari ni Mafi. Gusto niya na ako muna ang mag hawak ng school daw namin. Pero nakiusap ako kay Kuya Clinton. Since I know na pag ako ang humiling ay papayag agad ito. "Alam na ba nila na nakabalik ka na Kuya?" Pag tatanong ko dito. "Hindi pa.Mukhang wala naman silang pakielam so why bother right? Ayoko ng masira yung buhay natin ng dahil sa kanila." Nakangiting sabi nito. "They will never ruin my life again. But I am back to ruin there life." Nakangting pang demonyo kong sabi. "That's my little sis." Sabay gulo nito sa buhok ko. "Lagi mo nalang sinisira yung ayos ng buhok ko Kuya.Nakakaasar ka." Naiinis kong sabi. Tumawa lang ito kaya lumabas na ako ng principal office. Nag punta ako sa office ng adviser ng SSG or ng Supreme Student Government. Kumatok ako sa pintuan at binuksan. "What do you need?" Bungad saakin ng isang babaeng guro na tingin ko ay nasa 30 palang. "Ma'am ako po si Charlene Lopez yung magiging governor ng mga mayor per course." Pag papakilala ko dito. Nag bow naman siya saakin. "Naku ma'am I'm sorry po na tarayan ko kayo." Pag paghihingi niya ng tawad. Napailing iling nalang ako. Mukhang kilala na ako ng lahat ng staff dito dahil kay Mafi. Nag nod nalang ako. "Samahan mo nalang ako at ipakilala sa kanila. Alam kong may meeting sila ngayon since monday ngayon." Yesss may meeting lahat ng mayor at vice mayor ng bawat course tuwing monday and friday para pag usapan kung ano ang gagawin sa linggong ito at para ireport kung ano ang nangyari sa linggong ito. Nag nod naman ito. Agad kaming nag lakad papunta sa SSG room. Nasa labas kami ng room ay naririnig kong nag uusap usap sila. Hindi mo nga lang maiintindihan pero alam mong 'andun sila. "Ma'am dito lang po muna kayo. Ako po muna ang papasok para masabi sa kanila." Magalang na pag kakasabi nito. "Dont call me ma'am pag nasa harapan nila tayo. Just act normal." Cold na pag kakasabi ko. "But ----" mag sasalita pa sana ito ng inunahan ko na siya. "Ako na ang bahala sa kaniya." Agad naman itong nag nod. Walang katok katok ay pumasok siya sa loob ng kwarto. Pinanonood ko lang ang bawat kilos niya. Nag punta siya sa harap at pag tapos ay nag salita. "As you all know na wala pa tayong governor na mamamahala sa inyong mga mayor and vice mayor. Meron tayong transferee student na alam ko or should I say namin na makakatulong ng malaki sa inyo. Inalok namin siya maging governor. And she accept it.Nang galing siya sa Japan at lumipat siya dito because of her family. So may we call on Ms.Charlene Lopez." Pumasok ako sa loob ng kwarto. Dahan dahan na pumasok. Isang ngiting tagumapay ang mayroon saakin. Dahil sa mga mukha nilang gulat na gulat. Ano ba akala nila saakin patay na?Ngayon ay nasa harap na nila ako. Unang naka recover si Ethan kaya agad itong nag salita. "Charlene ikaw na ba yan?" Pag tatanong ni Ethan. Gusto kong tumawa sa harap nilang lahat. Pero hindi ko ginawa bumilang ako ng hanggan 3 tsaka nag salita. "Excuse me Mr.?I don't know you. Why do you know me?" Mataray na pag kakasagot ko dito. Kung nagulat sila noong pumasok ako. Mas gulat na gulat sila sa isinagot ko. Pero nakita kong nag smirk si Christine. b***h padin siya hanggan ngayon. Alam kaya ni Charlie lahat ng ginagawa niya? Maya maya lang ay nakarecover na si Mark. "Ethan kamukha lang niya si Charlene. Look ang pangalan niya ay Charlene Lopez.And besides Charlene doesn't like to wear eyeglasses. She wears contact lens. " Pag papaliwanag ni Mark sa kaniya. People change Mark. People change. Gusto ko man sabihin yun pero hindi ko ginawa. "I want you to introduce yourselves to me." Nakataas kilay kong sabi. Umupo ako sa upuan na pang governer. At sila naman ay nag umpisa ng mag pakilala. "Emperor Charlie Sean Sebastian." Malumanay naman na pag kakasabi nito. Sunod na tumayo si Christine. "Queen Christine Jainy Scott SEBASTIAN" Pag papakilala niya sabay diin ng Sebastian. "Are you related to Mr.Charlie Sebastian?" Pag tatanong ko dito Ngumiti naman ito ng sobrang tamis bago mag salita. "Yes.His my husband." Napatango tango nalang ako. Yeah. He is your husband for now. One day he will be mine again. "Mark Liam Sung." "Grandel Chua." "Cloid Arc Sung." Napatingin naman ako kay Cloid tsaka nag salita. "Are you related to Mark?" Pag tatanong ko dito. "Yes.He is my brother." Nag nod nalang ako. Sunod na nag pakilala ay si Sky. "Skyller Nyt Go." "Ethan Marco Filbar." "Emperor Spade Angeles." Napatingin naman ako kay Adella. Tumayo siya at nag pakilala. "I am Adella Perez" napatango tango nalang ako. Nawala sa isip ko na wala na pala ung adviser ng SSG. "Ngayon na kilala ko na kayo. I expect a lot of things sa inyo. Aasahan ko ang reports niyo sa Friday. " Nag nod naman silang lahat. "Ms. Charlene bakit kayo may singsing sa ring finger niyo? Kasal na ba kayo?" Naka smirk na sabi ni Christine. Looks like na nag hahanap talaga ng gulo ito. Agad ko naman hinawakan at tinignan ang singsing ko. Tapos napatingin ako sa kanilang lahat na nag hihintay ng sagot. Tatanggalin ko sana ito ng may bigla akong naalala. "Wag na wag mo itong itatapon,itatago at tatanggalin,Ito lang ang mag papatunay na akin ka." Kinalma ko muna ang sarili ko bago mag salita. "No I'm not yet married. Itong ring na ito ang wedding ring ng mom and dad ko. And my mom gave it to me." Seryosong sabi ko sa kanila.Napatango tango nalang sila. "Meeting dismissed pwede na kayong pumunta sa mga klase niyo." Agad naman silang nag si tayuan at nag si labas. Napa sandal ako sa upuan ko at hinawakan ang singsing namin. Im sorry Mafi muntik ko ng makalimutan ang sinabi mo ng dahil sa plano na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD